HALA PUTANGINA MO KA! LAGOT NA 'KO!
Ano na lang ang sindak na nadama ni Hoseok nang mapagtantong hindi pala dapat malaman ni Yoongi 'yong kinwento niya!
"Hobal, anyare sa'yo?"
Hindi, ako dapat 'yon e—anyare sa'yo, Hyung? Gulong-gulo siya sapagkat sa kabila ng hindi-niya-sinasadyang rebelasyon e napakanormal lang nitong tingnan. Sa sobrang normal e parang alam niya na ang tungkol sa lahat, matagal na matagal na!
"Pero, hindi e! Hindi mo talaga alam 'yon!" Hindi na rin namalayan ni Hoseok na sinasambit niya na 'yong inner monologue niya; mas lalong hindi 'yon pwedeng marinig nitong isa! "Hindi e! Alam ko, hindi!"
"Anong hind—oy!" Kinakausap pa nga siya ta's bigla-bigla na lang tumatakbo palayo! "Hobal!"
"Hyung!" At para saan pa kung 'di sumangguni sa korte suprema ni Jin, Namjoon, at mga noona ng NERVE. "Nasa'n na si Jimin-ah? Nasa'n na—"
"Bakit, Hyung?" Ta's saktong paglingon niya'y naro'n si Jimin na kagagaling lang sa labas kasama ni Sandra.
"Jimin-ah, may kasalanan ako sa'yo!" Mas lalong nanlamig ang mga kamay nitong nakatatanda nang humawak sa mga balikat niya, "Jimin-ah, nasabi ko kay Yoongi-hyung 'yong ginawa mo sa Manila!"
"Ha?!"
Tsaka lang nila naintindihan kung ba't gano'n si Hoseok kataranta.
"Sorry! 'Di ba, secret 'yon?! Sorry talaga! Mmf!"
Sunod-sunod silang nagsiabante para pigilang sampalin ni Hoseok ang sarili niya!
"Hyung, 'di naman na mababalik niyan 'yong nangyari!" saway ni Jungkook na naunang pumigil sa kamay nito.
"Pero—kasalanan ko 'to! Nadulas ako e!"
"Hindi, hindi..." Walang kamalay-malay na napailing si Jimin habang nililibot ang tingin sa kabuoan ng club. "Hobi-hyung, nasa'n si Yoongi-hyung?"
"Nando'n sa—" Natigil siya agad sa pagdadrama nang makitang wala na sa bar 'yong Yoongi-hyung nila. "Hala, nando'n lang siya kanina!"
Si Nick ngang nanggaling do'n e palapit na para heads up-an sila, "Jimin-nim, lumabas po si Yoongi-nim; habulin mo na!"
"Salamat." At mabilis na tumapik si Jimin sa balikat ni Hoseok bago natakbo nanaman palabas.
Slurrrp-slurrrrrp.
Itong mga nakatatanda'y mala-meme lang ng reality show kung makasipsip sa inumin nila't makapagpasa-pasahan ng mga sulyap sa isa't isa.
"HOY, MGA NIM!" Hindi na matiis ni Nick ang tumatagal na katahimikang 'to! "ANO NANG GAGAWIN NATIN?!"
Kalmadong nilahad ni Jin ang baso ng martini sa kanya. "Ito."
"Aba, bakit po?" nag-aalala pa niyang tanong.
"Engaged na si Hoseok-ah at Jayoon-ah kaya magdiwang tayo. Dali na."
Masunurin ding kinuha ni Nick ang inumin sa kanya.
"Hayaan na natin 'yong dalawang 'yon; hanggang dito na lang tayong lahat."
BINABASA MO ANG
We're not Happy Family
FanficSa nakatakdang pag-disband ng BTS ay hinanda sila ni PD-nim na maglakbay sa buong mundo para isakatuparan ang isang joint farewell concert kasama ng NERVE na kanilang juniors. Subaybayan ang mga bida sa pagbuo ng samu't saring kwento ng katatawanan...