Pagkatapos ng ilan pang mga araw, muli nanamang nagharap ang audience at Big Hit family sa pangalawang pagkakataon ng concert. Walang halong kemerut sa mga 'to ah, mas malakas na ang palakpaka't hiyawan ngayong gabi!
Hindi na rin kailangang pag-isipan kung kaninong fanbase ang pinakakalat at maingay—syempre'y do'n na agad sa mga nagmana sa idols nila!
"Net, set, dul, hana! Fei, Dania, Hayoon-ah! Sandra, Jayoon-ah! Mitch, Nick, NERVE-wa PULSE!"
Kung nakaka-hype 'yon para sa kanila, kay Jin nama'y nakakapanghina lang ng loob ang naririnig niya!
"Kim Namjoon! Min Yoongi! Jung Hoseok! Park Jimin! Kim Taehyung! Jeon Jungkook! BTS!"
Parang gusto niya ngang umatras dahil nagi-guilty siya nang matindi, pero kailangan niyang magpakatatag ng loob lalo pa't may kanya-kanyang galawan sila no'n at naiwan lang siyang mag-isa sa pag-iisip. Alam niyang babatikusin din siya ng marami sa pagiging second voice ng Eureka, ngunit ang 'di niya inaasaha'y sa gano'ng paraan nila 'yon ipararating sa kanya!
Pagtigil ng instrumental e mabilisang tinapos ni Jimin ang kanta. "'Di ka na malulumbay~"
At malugod munang nagsiyukod ang katorse bago bumaba dala ang inis na kanilang kinimkim.
"Tangina! Tama ba 'yon?!" pagmamaktol ni Jimin habang padabog na naglalakad at binabalik-balikan ng tingin ang stage. "Masaya ka na ba sa nakikita mo, Dooly? Nagkakagulo na kaming hayop ka!"
"Galit na galit, Jimin-nim?! Kalma ka lang! Tara dito." ani naman ng kasabayan niyang si Nick at hinimas-himas siya sa likod.
"Jin-sunbaenim!" sigaw ni Mitch sabay habol sa nakatatandang napatigil na sa paglalakad.
E kung hindi sa simula ng concert, e 'di sa katapusan na lang daw. Sa wakas e hinayaan na niyang rumagasa ang luhang kanina pang naiipon. Wala na siyang pakialam kung anong emosyon ang nagdulot no'n—ang mahalaga'y nalampasan niya ang encore stage nang hindi siya nadudurog!
"Jinasunbaenim!" Nakaabot rin siya sa kanya. "Okay ka lang?"
"Oo." matipid niyang sagot habang nagsasalo ng luha gamit ang manggas ng kanyang damit.
"Ako kasi, hindi!" Sabay padyak sa kinatatayuan nito. "Hindi maganda 'yong ginawa nila sa'yo!"
At muli nanamang umagaw-eksena ang mga bida dahil sa dalawang nag-iiyakan sa corridor.
"E... Gano'n talaga..." Niyakap ni Jin 'tong hoobae niya. "Tsaka, hindi naman totoo 'yon, 'di ba? Gawa-gawa lang 'to lahat ni Dooly kaya mas lalo natin siyang kailangang pigilan."
"Pero—kasi naman, Jin-sunbaenim e!" Nagpunas na rin si Mitch ng luha, "Hindi mo naman ginusto 'to e! Hindi nila naiintindihan kung bakit nasa ganyang kalagayan ka! Tsaka, ano naman kung second voice ka? E 'di sila na singer! Sila na magaling!"
"Uy, Mitch-iya!" Nagsilapitan na rin sila Hayoon para magpakalma. "Ikaw pa 'yong mas umiiyak kesa kay Jin-sunbaenim! Sige na, tahan na." Sabay yakap do'n sa dalawang nagdadrama.
"Sorry, Unnie! Ako 'yong nadadala e!" Yumakap si Mitch pabalik, "Hayaan mo, Jin-sunbaenim! Pananagutin natin si Dooly! Maghahanap tayo ng himala at pagagalingin ka namin agad! Kailangan mong makabirit ulit!"
BINABASA MO ANG
We're not Happy Family
FanfictionSa nakatakdang pag-disband ng BTS ay hinanda sila ni PD-nim na maglakbay sa buong mundo para isakatuparan ang isang joint farewell concert kasama ng NERVE na kanilang juniors. Subaybayan ang mga bida sa pagbuo ng samu't saring kwento ng katatawanan...