WNHF 6: One taught me love,

73 6 0
                                    

Pakatandaang pumaikot-ikot at dumurog-durog na ang ganap nitong mga bida sa loob lang ng isang araw. Ngayon pa lang nila tatapusin 'yon dahil nakaligpit na sila ng kinainan at bibiyahe na pauwi. Ang dalawang sasakyan ay parehong sinirkulahan ng nakabibinging katahimikan dahil nakakaantok at wala na silang mapagtripan.

Buti sa unang SUV, bago mangyari 'yo'y nagbalik-tanaw muna sila sa kinahinatnan ng pagpupulong no'ng mga panahong nag-cutting si Yoongi. E sa pangalawang SUV, kung sa huling kabanatang nabanggit ito e alive na alive pa ang nasa harap, well, ngayon e deadly silent na rin sila gaya sa likod. Sila talaga 'yong tunay na inaantok at wala nang mapagtripan, dahil itong SanMin e napakamapagmatyag sa bawat kilos ng isa't isa. Baka bigla kasing maging center of attraction nanaman sila at umingay ang lahat. Sinakyan din naman ito ni Jimin kahit alam niyang masasakripisyo ang kalayaan niyang magtanong.

Eme lang, umiidlip na kasi ang lahat maliban sa kanya, kay Sandra na naglalaro pa rin sa phone, at kay Nick na driver nila.

Ah, alam ko na!

Kaya sunod-sunod na bzzzt ang ginawa ng phone ni Yoongi upang sabihing nakatanggap siya ng sangkatutak na text mula sa kanya. Hula nito, dulot lang 'yon ng pagkaburyo at siya ang napiling kulitin, pero medyo ayos na rin bilang palatandaang abswelto na siya sa kanyang semi-pangtatraydor kuno kanina.

Jiminnie pandak:
"Hyung"
"Yoongi hyung"
"Min yoongi hyung"
"Shooky hyung"
"Pandak hyung"
"Min yoongi shooky pandak hyung"
"Mahal"
"Babe"

Kaya pala ang daming bzzzt.

Yoongimin genius tangkad and cute hyung:
"ANO YON PARK JIMIN MAS PANDAK"

Jiminnie pandak:
"Wala gustong kumausap sakin ToT"
"Kausapin mo po ko hyung ToT"
"Pano uli yung collab??"

Real quick ding nag-bzzzt ang phone ni Jiminnie pandak.

Yoongimin genius tangkad and cute hyung:
"Pagtanggap, pagtuklas, pagbago"
"Wala pang pamagat yung kanta"

Jiminnie pandak:
"Yun lang?"

Yoongimin genius tangkad and cute hyung:
"Ano pa ba gusto mo"

Jiminnie pandak:
"Matulog nang mahimbing"
"Haha kala mo ikaw no"
"Syotain mo na kasi ako hyung"

Yoongimin genius tangkad and cute hyung:
"Bat kita syosyotain"
"Manigas ka"

Jiminnie pandak:
"Ayos lang"

At oras na nga para ibaba ni Yoongi ang phone at 'wag basahin 'yong sumunod na bzzzt. Tamang sin-ilent niya na lang muna 'yon sa mga natitirang oras ng biyahe kesa mabawasan ng kainosentehan kada message.

Pero aminin, gusto niya talagang malaman kung anong karugtong no'n.

Pag-uwi ng bahay, gaya ng inaasahan, diretso bagsak na agad ang katorse tungo sa kanilang mga higaan. Si Jimin sa kabilang banda e nagbakasakali munang maghanap ng mahimbing na tutulugan at kwarto nga nina Taehyung ang una sa listahan imbis na kwarto nila ni Sandra. Sa kasamaang palad e pinagsarahan na siya ng bestfriend niya kaya napilitan siyang piliin 'yong pangalawa.

We're not Happy FamilyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon