Patuloy ang hiwaga sa Paris hanggang sumapit ang kanilang concert.
Daan-daang libong katao, walang humpay na palakpakan at sigawan, iba-ibang pakulo't rebelasyon kada bansa, encore stage na tume-trending palagi sa internet, at world-class na performance are the very normal things lang namang nangyayari sa Big Hit family. Wala nang kailangan pang itanggi dahil 'yon pa nga yata ang isa sa mga pinakadahilan kung bakit sum-old out ang tickets sa pang-apat na pagkakataon—entertainment and the tea.
Mula sa nakaka-indak na pop music e nag-live band ngayon ang katorse sa paghandog ng espesyal na areglo ng Eureka. Si Jungkook ang naging drummer, si Hayoon ang violinist, si Yoongi ang pianist, si Fei ang bassist, si Nick ang rhythm guitarist, si Jin ang lead guitarist, at ang mga natirang miyembro e ang mga vocalist. Ito ang paraang naisip ng mga dongsaeng para mas makasali sa awitin si Jin na pinagpahinga muna nilang kumanta. Bawing-bawi naman dahil meron na siyang mga guitar solo habang inaalalayan ng mga kapwa niya instrumentalist.
Speak of instrumentalist, halata ang kaba ni Yoongi sa sobrang bilis ng mga daliri niyang magpipindot sa keyboard. Kanina pa kasi siyang mentally-absent dahil mas nangingibabaw sa kanya ang pagtatagpi-tagpi ng plano nila ni Jimin. Dire-diretso na kasi 'yon at walang hudyat-hudyat kaya alerto siya sa mga maaaring pahiwatig nito.
Si Jimin naman e tamang silay kay Sandra na nababakas pa rin ng lungkot at balisa kahit pumekeng ngiti siya sa ARMY at PULSE. Katulad ng kutob ni Jin, malabong walang maganap sa concert na 'to dahil hindi nagpaparamdam si Dooly, at 'yon nga ang kanyang pipiliting magkaro'n. Ilang araw na siyang naghihintay at nagbibilang kaya mukhang tama na ang panahon para sabihing handa o hindi'y hahanapin niya na ang nagtatago.
"Sa bukas, sa bukas, sa bukas~"
"'Di ka na malulumbay~ Thank you, France! Good night!"
Habang nagsisiakyat ang mga co-artists nila'y tyinempo niya nang humilera agad sa tabi ni Sandra para sila ang magkahawak na yumukod.
"Anong ginagawa mo?" mariing bulong ni Sandra sa kahawakan niya nang sila'y yumukod sa audience. "Bitawan mo 'ko."
"Ayoko." Mas humigpit lang ang hawak niya, "Dito ka lang."
Kumaway na ang iba't sunod-sunod na bumaba ng stage habang sila'y nakatayo pa rin.
"Ano pa bang gusto mo? 'Wag mo nang ipilit kasi wala na. Tumigil na siya kaya tumigil ka na. Dapat nga, 'di na 'ko pumayag para 'di ka nagkakaganyan e."
"Para saan pa? Andito na tayo, at ang gusto ko, tigilan na rin natin 'to."
Halos pakaladkad niyang inakay si Sandra pababa ng backstage kung sa'n nag-aabang si Byul-nim at ang ibang mga bidang pinagagalitan niya habang kokonti na lang ang mga nakakasaksing naro'n.
"Anong kalokohan nanaman 'to, Jimin-ssi? I said, you girls go with me. Right now."
"Wala pong aalis." Iniwan niya si Sandra sa gitna ng pagkakatipon nila, "Hyung, ikaw na bahala."
Pagkatango ni Yoongi e nagkunot naman ang noo ni Jin. "Yoongi-ya, anong nangyayari?"
"Nagpapatawa ka ba?" seryosong wika ni Byul-nim kay Jimin na humarap na sa kanya. "Desperado ka na talaga, 'no?"
"'Wag mo 'kong itulad sa'yo—nanloloko para makuha 'yong gusto." mariing tugon niya naman. "Halatang-halata na kita, Byul-nim. Itatanggi mo pa rin?"
BINABASA MO ANG
We're not Happy Family
FanfictionSa nakatakdang pag-disband ng BTS ay hinanda sila ni PD-nim na maglakbay sa buong mundo para isakatuparan ang isang joint farewell concert kasama ng NERVE na kanilang juniors. Subaybayan ang mga bida sa pagbuo ng samu't saring kwento ng katatawanan...