WNHF 7: Tawag ng tanggalan

64 3 0
                                    

Ano nga ba ang nangyari kay Jungkook at kagabi pa raw siya mukhang hindi okay? Ngayon na magkakaalaman dahil sinugod na nila siya sa ospital.

"Kayo po 'yong kasama ni Jungkook-ssi?" paninigurado lang no'ng doktor kay Dania na siya ngang naghatid at mag-isang nagbabantay ngayon sa kanya.

"Opo. Kaibigan niya 'ko." magalang niyang sagot.

"Sige." Tumango ito at sumulyap sa pasyente, "'Wag kang mag-alala dahil nakaranas lang siya ng food poisoning."

"Food poisoning?" Oo Dania, inulit.

"Baka may nakain siyang contaminated o hilaw na ingredient. Naaalala mo ba kung sa'n niya posibleng nakuha 'yon?"

Nagkunot ang noo niya, "Mm... Malinis naman po 'yong mga binibili ko. Masasabi ko ring maayos naman po kaming magluto. Tsaka po, pare-pareho lang kami ng kinain kagabi at ngayon."

"Then, subukan mong alalahanin pa, at least four to seven days ago."

"Four to seven days ago..." Mukhang may pumapasok na sa isip niya, "Oh. Oh. Oh, sh—Oh, shit. Shit, gago." Napasapo siya sa noo at napalakad nang paikot bago balikan 'yong presensya no'ng doktor na sasabihan niya ng, "Sorry po, nabigla lang... Kinain niya po kasi 'yong pansit!"

"'Yon pala... Malamang, nasa karne 'yon o gulay na nakahalo." Nagpatuloy na muli siya sa kanyang sadya. "Pero uulitin ko, 'wag ka nang mag-alala kasi magiging ayos naman na siya. Nagbigay na 'ko ng gamot kaya mabuti na ring pagpahingahin mo na lang muna siya."

"Shit!"

"Oh, mali ba 'yong narinig mo?"

Umiling si Dania, "Hindi po," At kinapitan siya sa balikat. "Si Mitch-iya po kasi! Inubos niya po kasi 'yong pansit!"

Samantala, nauna nang pumunta sa studio 'yong mga bidang walang pake sa kalagayan no'ng maknae. Charot, pero depende pa rin sa kanila kung tototohanin nila.

"Gaya nga ng nasabi niyo, ang magiging concept nitong concert ay tungkol sa pagtanggap, pagtuklas, at pagbago. Iipunin nito 'yong mga karanasan niyo dati pati rin 'yong mga bagong pangarap na gusto niyo namang maabot. Pumayag na kaming tawagin 'tong Eureka—sunod sa title ng collab song niyo. Oo, approved na 'yon kaya sabihan niyo na lang si Dania-ssi at Jungkook-ssi."

"Woah..." sunod-sunod na tugon ng katorse (minus-three) sa anunsyo ni PD-nim at nasundan pa ng mga palakpak at ohhh.

Lahat ng 'yan maliban lang kay Jimin na lumilipad ang utak no'ng sandaling 'yon.

Isip-isip niya kasi: Kung ako kaya magkasakit? Mag-aalala rin ba si Sandra-noona sa'kin? E medyo nainggit lang siya sa lebel ng pakialam ni Dania at umabot pa sa puntong um-absent ito para samahan si Jungkook. Nabuhay ang pag-asa niya para sa kanilang mag-roommate kahit malabo na atang maging magkaibigan sila, lalo pang maging simula ng isang romantic love story ang insidenteng naganap sa unang gabing nagkasagupa sila.

Kaya minus-three. Absent din naman kasi siya—mentally.

"I leave the rest to you, at kung may mga tanong kayo o gusto niyo 'kong kausapin, sabihan niyo lang 'yong mga leader-nim o ako. Let's adjourn this meeting and have a great day. Mauna na kayong lumabas ng room."

We're not Happy FamilyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon