WNHF 22: I'm only one call away

55 2 0
                                    

"I'll be there to save the day~ Superman got nothing on me~ I'm only one call away~"

Madaling-araw. Nasa airport ang mga bida at ipinararating na nila ang kanilang pamamaalam. By nila, I mean si Jungkook pa rin naman. Katatapos niya lang kantahin ang buong One Call Away kay Junghyeon na buhat niya as usual, at sa sobrang close nga ng dalawa'y mukha na silang magtatay.

"So you're only one call away, Jungkookie?" ani ni Junghyeon na nakalingkis nga sa kanya.

"Yes. Promise." Tumatango-tango pa siya nang haplusin ito sa ulo. "Wala ka bang gustong ipabili sa'kin?"

"Uhm... Nothing."

Tumitig siya sa mga mata nito, "Sure?"

Tumitig din ito sa mga mata niya, "I know you'll be busy so I won't bother you."

"No, it's okay... Sige, ako na lang magreregalo sa'yo—dadagdagan ko ng kakampi si Destroyer pero dapat mabait ka muna, hm?"

"Okay, thank you." Napayuko ito at nag-aalangang dinagdag, "I just want to request something though."

Pero nakita niyang sumesenyas na si Jimin.

"Fei-noonie said I have to find someone else because she doesn't want me to hear saying it to Hobi..."

Bumalik ang diwa niya sa pahayag nito. "Ano po?"

"...so can I call you Dada?"

"Tara na dito, Jungkook-ah! Sige, magpaiwan ka na ah!"

"Oo na, oo na! Tsk!" Mabilis na tumango si Jungkook at dahan-dahang binaba si Junghyeon. "Sige na Hyeonie, tatawag na lang ako, ha? Magpakabait ka; galingan mo sa school!"

"You too with your concert! Bye, Jungkookie!" Masigla itong kumaway sa kanyang pabalik-balik pa ng tingin, "Bye, Dada!"

"Bye!" Taos-puso rin siyang kumaway ta's biglang nagbago ng mood pagharap sa apuradong si Jimin, "Nag-uusap kami Hyung, 'di ba? Bastos ka ba?"

"Trabaho lang e!" dispensa naman niya bago magpakalayo-layo.

Trabaho pala e—bumuntong-hininga na lang siya tuloy.

"Nauto ka nanaman ba ni Hyeonie?" tanong ni Dania habang tinatanaw ang waiting area.

Nahihiya siyang ngumisi, "Tinatanong ko nga po kung may gusto siyang ipabili, e wala naman po kaya ako na lang 'yong nangako."

"Imposible... Ewan ko lang kung nandito. May pinapabigay siyang sulat sa'yo e."

At mula sa handbag e may dinukot itong nakatuping papel na may lettering pang 'Jungkookie' sa harap.

"Weh?" Mukhang ayaw nang tanggapin oh, "Salamat po, Noona. Babasahin ko 'to mamaya."

"Pasado ka nang tatay, Gguk!" humahagikhik na entrada ni Nick na nasa likod pala niya. "Baka magkatuluyan kayo ni Unnie niyan ah."

"Tangina mo." At namakyu si Dania nang patago.

Pangiti-ngiti lang din naman 'yong kapwa-maknae niya, "Bakit, 'di ba pwedeng maging kayo? 'Kala mo naman, babalikan ka ni—"

"Alam mo, manahimik ka! 'Wag ka na ring bumalik, parang siya! Magsama-sama kayo!"

Pinagtabuyan siya ni Dania kaya ang sunod niyang nakita e si Jimin.

We're not Happy FamilyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon