Makalipas ang halos kwarenta-otsong oras ng paglipad, pag-aayos, at pagpapahinga...
"Welcome to Bowery!"
"WOOOOOH!"
"Oh my god, I'm so dying to get here! C'mon!" Mukhang excited talaga si Fei nang mauna siyang maglakad sa treseng hindi maka-move on sa pagkamangha. Wala na atang balak kumilos ang mga 'to e, kung 'di lang siya nagwika ng isa pang "Tara na!" para magsiabante sila.
Sa Bowery e walang madilim na sulok at walang eksinitang hindi nadaraanan ng mga sasakyang parito't paroon sa kung saan. Ang mga tao'y may kanya-kanyang pinagkakaabalahan, ngunit karamihan doon e para magsaya at mag-appreciate ng sining. Maya't maya ang mga nagpi-picture sa nightscape ng lugar, at panay rin ang paglabas-masok nila sa mga restaurant at club na ngayon lang magsisibukas. Sa bawat hakbang e mas paganda nang paganda ang mga establisimyentong tumatambad sa kanila—minsan nga'y napapatanong na sila kung may mas ikakabog pa ba ang lugar na pagdadalhan ni Fei sa kanila.
"And here we are..." Tumigil sila sa isang punto ng sidewalk bago si Fei tumuro sa taas, "This is The Interstellar!"
Waaah. Lahat sila e siguradong ganyan at ganyan lang ang reaksyon dahil mistulang nasa pinakapuso na sila ng Bowery. Higit sampung palapag ang taas ng club na 'yon at may pagkalaki-laki at pagkaliwa-liwanag na lilang neon sign sa harap. Kapansin-pansin din ang contrast nito sa itim at walang-bintanang exterior na tila ba'y may nagtatagong portal sa loob.
Pagpasok nila'y tumambad ang unang palapag ng club na punong-puno ng mga makukulay na ilaw sa pader.
"Isn't this place great?!" sigaw ni Fei sa gitna ng malakas na tugtugin. "Sikat sila kasi para ka na ring nag-light therapy after being here. I don't know; nag-search lang ako and it takes at least five days for it to take effect so I figure they'd get customers worth five days every once in a while!"
"Ohhh." May bago nanamang natutunan si Dania. "Magte-therapy ka na? Akala ko ba, para lang 'yon sa mga may sakit?"
"Ahhh..." Humaplos siya sa braso ng nakatatanda't matamis na ngumiti, "I just realized that we all need this at some point, you know?" Tsaka tumungo sa harap nila at inangat ang dalawa niyang mga kamay na parang siya ang may-ari ng lugar. "What are you waiting for? Let's raid this place!"
"Eyyy!"
Ambibigat ng mga problema nito kaya gano'n na lang ata silang sumalakay sa The Interstellar. Buhay na ang gabi kaya ang isang libong kataong nananatili ro'y panay kain, inom, at sabay-sabay na tumatalon sa bass boosted progressive EDM ng DJ mula sa espesyal niyang pwesto.
Siya nga kaya sabay-sabay na umangal ang mga tao nang tumigil ang tugtog at pumwesto si Hoseok sa gitna nilang lahat.
"Just a moment! Can the most beautiful woman in this club tonight please join me here on the dance floor?" pambolang gano'n ni Hoseok sa dalagang busy makipag-usap kay Mitch na Most Beautiful Woman in the World naman. "Uhm... I mean, Jayoon-ah ko!"
"Oh!" Tumatawang humiwalay si Jayoon kay Mitch at rumampa sa harap ng lahat para ipakita 'yong little black dress nitong off-shoulder. "Hi, Hobi-oppa!"
E dahil marupok siya'y hinalikan niya muna ito bago ikutin nang hawak siya sa kamay.
"Now, what are we doing here?"

BINABASA MO ANG
We're not Happy Family
FanfictionSa nakatakdang pag-disband ng BTS ay hinanda sila ni PD-nim na maglakbay sa buong mundo para isakatuparan ang isang joint farewell concert kasama ng NERVE na kanilang juniors. Subaybayan ang mga bida sa pagbuo ng samu't saring kwento ng katatawanan...