WNHF 4: Enemy in the public #1

91 3 0
                                    

Dapithapon: Lumabas ng building si Jimin at Yoongi para sandaling malayo sa kanilang mga kasama at makabili na rin ng pagkain. Abala sa collaboration 'yong ibang bida habang sila e tamang bulakbol muna dahil tapos na raw ang toka ng mga genius.

Basta e napakunot ang noo ni Yoongi nang may maalala siya, "Ba't sobrang tahimik ni Taehyung-ah at Jungkook-ah? May alam ka b—"

"'WAG MO NGA 'KONG KAUSAPIN!"

Ta's nanlaki ang mga mata niya dulot ng pagkawindang. Ang OA naman kasi no'n e, pero medyo nage-gets niya rin kung sa'n 'yon pwedeng manggaling. Ang ayaw niya lang e 'yong nakatayo siya ro't pinapanood ang nakababatang maglakad palayo habang nagmumukha silang magsyotang nag-aaway!

Para makaiwas sa tensyon at atensyon e hinabol niya ang pandak na 'yong pandak nga ngunit ang bilis-bilis maglakad, "Jimin-ah!" At nang maabutan siya'y hinawakan niya ito sa magkabilang balikat at hinarap sa kanya. "Tinatanong kita nang maayos kaya 'wag mo 'kong tinatalikuran—"

At sa kanyang sorpresa nanama'y nakangiti lang si Jimin, nawawala pa 'yong mga mata.

"Pasado na ba 'kong mag-drama, Hyung?"

"GAGO!" Gumanti na ng bulyaw si Yoongi at patulak na bumitaw sa pagkakahawak niya.

Siya naman kasi ang magwo-walk out!

"Kinabahan talaga siya oh!" sabi pa ni Jimin na nag-iipon lang ng tawa dahil na-bad trip ata 'yong nakatatandang hinahabol niya ngayon. "Luh, Yoongi-hyung! Binibiro lang kita e! Sorry na!"

"Mukha mo!"

"Malay ko bang seryoso pala 'yon?! Oy!" Malayo na silang dalawa sa isa't isa kaya palakas na nang palakas 'yong usapan nila. "Ano ba kasing itatanong mo?!"

"Malay ko rin! Bahala ka nga!"

"'Di ko rin naman kasi alam! E baka ayaw lang nila Taeh ng lantaran kaya gano'n! Alam mo naman 'yong mga 'yon!"

"Narinig mo naman pala e!"

"E tumigil ka na kasi! Tsk—" Hinihingal na siya kaya pumirmi na lang siya't 'di na naghabol. "Bawal nga magalit, magselos, at mag-away e ano kaya 'yan?"

Buti na lang talaga at alam ni Jimin kung anong magpapatigil sa kanya.

"Hyung..." Tsaka siya ngayon naglakad palapit. "Sorry na nga. Joke lang e."

"Isa pang joke na ganyan, tatamaan ka sa'kin."

"Ayos lang, tinamaan naman na 'ko sa'yo." Hindi na naiwasang lumabas no'ng inipon niyang tawa habang kinikilig sa sariling kakornihan. "Ayan, sorry na ah. Baka makalimutan mo pa 'yong cheeseburger e."

Pasalamat siya't may natitirang pasensya pa si Yoongi kaya kahit medyo naiinis e sumugod pa rin sila sa fast food restaurant sa 'di-kalayuan. Bago 'yong maliit nilang pagkakalabuan e ito na talaga ang unang pakay ng nakatatanda—manlibre ng cheeseburger sa lahat lalo na kay Jimin. Patawa-tawa lang kasi 'yan pero nasasaktan talaga 'yan.

Pagkalipas din naman ng ilang minuto'y magkadikit nanaman sila na parang walang nangyari. Bati na sila agad pagkatapos mag-usap nang matino habang nakapila sa counter. Kaya 'yon, nagbabalik na si Jimin sa tahimik na pagpaplano ng kalokohan at si Yoongi sa pag-usyoso ng kung anong kanyang maintrigahan.

We're not Happy FamilyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon