WNHF 37: Take time to realize

68 3 0
                                    

Umihip ang banayad na hangin kaya nagsikulasan ang dahon ng mga puno at gumalaw ang patsi-patsing liwanag ng araw na tumatama sa bintana. Nag-aawitan na ang mga ibon upang ihudyat na sumapit na ang umaga sa Paris.

Kay aga-aga no't buhay ang lahat sa labas, pero sinalubong 'yon ni Yoongi ng isang malutong na putangina dahil ayaw umangat ang ulo niyang napapatungan pa rin ng kamay ni Jimin. Mukhang hindi lang stiff neck kung 'di pati back pain ang inabot niya dulot ng ilang oras na walang-galawang pagdungo. Bandang alas-syete na 'yon at bukod sa kanilang dalawang mag-hyung e wala nang ibang nasa loob ng kwarto. Malamang e lumabas nanaman si Hoseok at Fei na sana nga'y bumili ng pagkain sapagkat gutom na siya.

Pagkatapos bumisita ng banyo e kinuha niya ang phone niya para tingnan kung meron bang nangungulit na ibang bida. Sa kabutihang palad, wala naman dahil mukhang nag-e-enjoy pa ang mga 'yon sa rehearsal—tanghali na sa Tokyo e.

"Yo, Hyung." bati ni Hoseok na kabubukas lang ng pinto at may mga bitbit pa.

Napangiwi siya nang malanghap ang gochujang at gochugaru. "Ano 'yan?"

"Delivery, obvious ba?"

"Pipilosopo pa, mali naman sagot." Pagkairap niya'y tumayo siya para matingnan kung ano ang laman ng mga bag.

"Good morning," sabi ni Fei na may dala rin. "Kanin niyo."

"Hindi ka magkakanin?" tanong ni Hoseok na tinanggap 'yon at nilapag kasama ng ibang pagkain.

Inangat niya ang hiwalay na bag ng tinapay, "Obvious ba?"

"Gano'n kasi sumagot, Hobal." Pinamahagian na lang sila ni Yoongi ng mga kubyertos. "Tara, kumain na tayo. Salamat sa—"

"Teka lang, Hyung!"

"Bakit?"

Tinuro ni Hoseok ang dalagang nakapikit na't nagkukrus. "In the name of the Father..."

At syempre, wala nang papalag kasi si Lord na 'yan!

Nang matapos magdasal e pinagpatuloy ni Hoseok ang naudlot ng nakatatanda, "Salamat sa pagkain!" Tsaka sabay na silang sumandok sa mga nakahain do'n.

Pagkapuno ng bowl e bumalik agad si Yoongi sa pwesto niyang katabi ng kama. Gusto niyang magmuni-muni sa sulok habang kumakain, at bawat subo nga'y mas nagiging malinaw kung ano 'yong mga bagay na inisang-bagsak ni tadhana kahapon.

"Aaah."

Sabay tiningnan niya ang pinanggalingan no'ng tunog, at napabusangot na lang siya sa pagsisising ginawa niya pa. Gising na rin pala 'yong pasyente nilang nambubwisit na kahit umaga pa lang at hindi pa siya nakakalimang minuto sa paghihinuha.

"Hyung," pa-cute na turan ni Jimin sabay nganga muli. "Aaah?"

"Do'n 'yong langaw sa labas." At nagpatuloy ito sa pagkain.

"Grabe." Nakanguso siyang tumayo at pumasok ng banyo. "Nagpapasubo lang e."

"Kami rin Kuys Yoongi, pasubo... ng deets." segue ni Fei na tamang sawsaw lang ng baguette sa kimchi stew niya. "Ano bang meron kagabi?"

"Hm?" tugon nito habang ngumunguya.

"Kasi 'di ba Hyung, lumabas tayo para kunin 'yong pagkain habang nag-uusap sila Taeh?" dagdag ni Hoseok na nagpupuno na ng bowl para kay Jimin. "Tapos, pagbalik natin, nagsasagutan nanaman kayo ta's 'di niyo na kami pinansin."

We're not Happy FamilyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon