INTRO

73 1 0
                                        

We're not Happy Family
by bluemoldla

Isang normal na umaga lang sana 'yon sa Big Hit building kung hindi lang napatawag ang katorseng magtipon sa conference room kasama ni Bang Sihyuk PD-nim.

At kung hindi niya lang din 'yon dinugtungan ng mga katagang, "Pinoproseso pa rin ng isip kong magdi-disband na ang Bangtan Sonyeondan, even you NERVE na sumabay rin sa kanila. But don't worry because I understand and respect your decisions."

"Awww!" sabay-sabay na tugon ng mga loko bilang pakikisimpatya sa malungkot nilang boss.

"'Yan kasi e, gaya-gaya." pabirong komento pa ni Yoongi.

"Nauna kaming magpaalam, Yoongi-nim!" depensa ng maknae nilang si Nick.

"Ah... E 'di disband party pala 'to." bulong nitong isa pang maknae na si Jungkook.

"I think we'll call this a joint farewell concert, Jungkook-ssi." tugon ni PD-nim. "Para hindi naman masyadong malungkot pakinggan."

"Bitter po kasi 'yan! Basta, 'wag kang malungkot, PD-nim! Bibisitahin ka namin dito palagi!" sabat ni Jimin tsaka umakbay sa kanyang katabi. "'Di ba 'no, Namjoon-hyung?"

"Syempre!" Malapit sa kanya 'yong upuan ni PD-nim kaya inabot niya ang mga kamay nitong nakapatong sa mesa. "Sigurado na po talaga 'to kaya maraming salamat pong hinayaan niyo kami."

Napangiti siya, "Ah, don't thank me, Namjoon-ssi. Ito lang 'yong realidad—wala akong magagawa laban do'n but just wish the best for all of you. Lalo na ikaw, Seokjin-ssi. Sana gumaling ka na."

Nagsilingunan tuloy sila sa kanyang yumukod lang at walang kaboses-boses na nagpaabot ng pasasalamat.

"Ohhh! Hindi ko 'to kaya! I can't take this anymore, Jayoon-ah!" madrama-dramang sagot bigla ni Hoseok sabay pekeng iyak sa nobya niyang nakaupo sa tabi niya.

"Oh god, Hobi-oppa." Para maiwasang matawa e hinaplos na lang siya nito sa likuran. "Cheer up, we have a lot of good things ahead. Ayaw mo bang ikasal tayo?"

Sumabat nanaman si Jimin, "Ehem, baka naman oh!"

Dahilan para mapailing si Taehyung na direkta pa niyang tinitingnan.

"Sorry, bridesmaid niya 'ko. Bleh." Dumila rin ang leader nilang si Fei sa kanya.

"Tanga, hindi naman ikaw 'yong tinutukoy niya. Apektado masyado ah." tugon ni Dania. "Ituloy niyo na nga po bago pa magkaungkatan dito, PD-nim."

Tumuloy na nga si PD-nim, "Siya, nag-utos na si matnoona kaya pumunta na tayo sa good news."

E 'di nagsiupo na sila muli nang maayos at hinanda ang sarili para makinig.

"As I was saying earlier, before we part ways, magpe-perform muna kayo in your final concert. You will collab, prepare, and travel around the world for five to seven months. Of course, magsasama-sama talaga kayo for a while starting from now. I see no problem anyway because you guys seem to get along just fine—some even more than friends."

"Narinig mo 'yon, Sandra-ya? Getting along!" nakangiting sabi ni Hayoon sa katabi niya. "You just got older today, you better start this year right!"

"Oo nga, Unnie!" pang-udyok pa ni Mitch. "More friends along the way!"

"Yehey, friends!" Nagpaparinig nanaman 'to si Jimin sa kung kanino oh.

"Friends mo mukha mo." nakangising bulong pa ni Yoongi nang tumingin sa katapat niyang dilag na tahimik at medyo seryoso ang mukha.

Balik kay PD-nim, "So, handa na ba kayo?"

"EYYY!" sabay-sabay nilang mga sagot, pero ba't parang sira ang pandinig ni PD-nim at sa kalalakihan lang ang naririnig niya?

"Ulit, handa na ba kayo?"

Sumang-ayon ulit ang Bangtan, "EYYY!"

"Girls?"

Nagtinginan pa muna ang NERVE para siguradong sabay-sabay, "EYYY!"

"Great! Then let's get started!"

We're not Happy FamilyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon