WNHF 12: Yu Yu Hakushookt

78 2 0
                                    

Sino pa bang sunod na lilitaw kinabukasan?

Alas-syete ng umaga. Nakapatay na ang mga ilaw sa baba maliban sa nasa tabi ng hinihigaang sofa ni Fei. Nakaligtaan niya kasi 'yong patayin matapos mambulahaw ni Nick na tumawag kaninang madaling-araw para ibalitang tapos na ang Eureka. Si Jungkook naman sa taas e katatapos lang magbihis—hindi na siya nag-jacket dahil kasama rin 'yon sa mga susunduin niya mamaya.

Habang sa studio, tamang mini celebration lang ang mga bida sa kanilang tagumpay.

"Tama na 'yan, Unnie! Kumain ka oh!" Dala ang plato ng chicken at dalawang baso ng juice e lumapit si Nick kay Sandra na abala pa rin sa paglalaro sa phone. "Oo na nga kasi, mataas na level ng champion mo!"

Napangisi siya't may buong pagmamalaking pinakita ang screen. "207."

"Tanginang 'yan!" sigaw niya, "Lakas mo na mag-Dooly!"

At sa kanyang tapat e naro'ng nakaupo si Jimin at Yoongi—may pinapakitang kung ano 'yong nakababata sa phone na nakaka-curious pa dahil tumatawa siya. Wala lang, nagkaro'n kasi ng konting anxiety si Sandra dahil baka siya na 'yon matapos ang napaka-OA niyang pag-aasal kahapon.

"Sabi nga ni Lider-nim, ayaw niya na raw mag-Dooly-main no'ng tinalo mo siya sa 1v1." tumatawang dagdag ni Nick. "Mag-Level 1 Joy na lang daw siya ulit, hahaha."

Mapapalabas na sana ang unang ngiti ni Sandra for the day kung 'di lang nag-beep ang phone niya para mag-notify na nakatanggap siya ng text. Sa kanyang pagbukas e tumambad ang putol-putol na serye ng mga message galing sa isang unknown number, laman ay:

Unknown:
"Sandra ya"
"Hi po pansinin mo sana"
"May itatanong lang kasi ako."

Bago siya pumindot sa mga letrang naka-flash sa screen e naalala niya muli si Jimin, si Yoongi, at 'yong bagay na pinagtatawanan nito sa sulok. Ngayong tumingin siya ro'n e tahimik na itong kumakain—chicken sa kanang kamay at phone sa kaliwa. Sa galaw ng daliri niya sa screen e para ngang may tina-type din siya.

'Yon nga ba?

Unknown:
"Pwede bang manlugaw"

'Yon na nga. Nalagot na.

Nagkunot ang noo ni Sandra at nagbaligtad ang ngiti sa labi. Itong si Nick e napa-parabola, projectile, and plotting din sa pag-alam ng direksyong pinagkakatutukan ng nanlilisik na mga mata ng nakatatanda.

"Unnie, baka sumabog si Jimin-nim niyan. Ano bang ginawa niya sa'yo?"

Nabaling tuloy ang tingin niya kay Nick, senyales na manahimik siya't baka 'di niya matantiya ang kanyang bad trip.

Ta's ayaw pa magtigil no'ng unknown number—nag-text nanaman!

Unknown:
"Manligaw pala sorry."
"So pwede bamg manligaw?"

Kung lumapit nga'y 'di na pwede, manligaw pa kaya?

E baka naligaw lang din ang message na 'to? Hindi e. Imposibleng kapangalan niya lang 'yong Sandra. Mas lumakas na ang kutob niyang nasa malapit lang ang nakanakaw ng bago at tago niyang numero.

Sinadya niya nga lang atang banggain siya kahapon para mapasakamay niya ang phone!

Sandra:
"Jimin"
"Hindi nakakatuwa"

We're not Happy FamilyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon