WNHF 69: Saan na 'to patungo?

22 0 0
                                    

Dunnnnn.

Tumahimik ang buong stadium nang umugong ang pagpatay ng mga ilaw.

Sabay palakpak dahil tapos na ang Bangtan stage!

"Woooh!" Kahit sa baba e masigabo ring nagpapalakpakan ang NERVE!

Paglapit nila sa entrada ng backstage e sumalubong si Nick ng malakas na "Ang angas niyo!" habang nakatuntong sa tumpok ng mga monoblock.

"Double time!" Nakangiting winasi-wasiwas ni Jin ang kanyang twalya habang pinangungunahan silang rumampa pabalik sa dressing room.

Komento tuloy ni Mitch, "Ang saya ni Jin-sunbaenim ah!"

"Syempre!"

Ibang-iba na ang enerhiya niya kumpara sa unang Eureka na tinanghal nila. Kung dati e napapaiyak siya sa kaiisip kung pa'no pagtatakpang hindi siya makakakanta, ngayo'y halos lumipad siya sa saya dahil mapagbibigyan na siyang kumanta ng full version kasama nila! Kahit ayaw niyang magtapos ang concert, excited pa rin siyang dumating ang encore stage para mabalikan uli 'yong kanyang una't huling pag-ibig.

"Ano Mitch-iya, ginawa mo na ba 'yong assignment mo?" tanong naman ni Hayoon.

Nag-three joints ito. "Syempre, Unnie! Para sa PULSE at ARMY!"

"Pasok na, bilis!" Sumunod si Hoseok na nagbukas ng pinto. "Kita-kita na lang sa stage!"

Kumaway si Jayoon, "Definitely, Hobi-oppa! Love you!"

Itong si Hoseok at Jayoon ang nagsimula ng Eureka nang nakakakilig at masaya, kaya sana'y hindi na 'yon baligtarin pa ng tadhana.

"Malaya na siya." sabi ni Dania kay Fei at umakbay sa kanya.

"At malaya na rin akong asikasuhin si Hyeonie at Jodgie pagkatapos nito."

'Yon ang nagpailing ngayon kay Sandra dahil naubos na ni Fei ang lahat ng redemption arc na maibibigay ng nobelang 'to para sa kanya.

Speaking of, maging siya nga'y hindi rin nagbago mula't sapul. Binungad ng Eureka ang paghihiwalay nila ni Byul-nim, tapos sa bandang kalagitnaa'y ang paghihiwalay nila ng kanyang Daddy, tapos sa bandang katapusa'y paghihiwalay pa rin—'yon ngang si Yoongi at Jimin dahil sa malaking hocus-pocus na nabunyag na sa lahat. Makalipas no'y pumako na sa kanyang siya ang promotor ng mga hiwalayan sa kwento, kaya sinubukan niya ring pagbalikin sila muli. Sa kasamaang palad e mukhang pare-pareho na talaga ang endgame nila kaya sana'y matutunan niya na lang na patawarin ang sarili sa kalaunan.

"Jungkook-ah, naipit 'yong zipper ko!" Habang itong sila Taehyung e nagsimula sa hiwalayan pero magtatapos na talaga sa pagbabalikan.

"Teka!" Pagkasuot ni Jungkook sa damit niyang 'di pa nabubutones e kumatok siya sa fitting area kung nasa'n ito, "Akin na, papasok ako!"

Sabay biglang sumagot itong, "Ay, 'wag! 'Di pala pwede!"

"Anong 'di pala pwede?" giit niya.

"Ayos na pala! Sorry!" Tinaas pa nito ang kamay niyang naka-thumbs up.

"Taeh! Bilisan mo!" Ta's si Jimin na nakasunod sa pila'y nagtitimpi lang umalma dahil malamang e may kung anong sikretong proyekto nanaman ang bestfriend niya sa loob.

We're not Happy FamilyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon