Hapon. Balik sa hotel.
Nag-e-enjoy ka, nag-e-enjoy ka! Pangsanlibong beses nang iniisip ni Yoongi habang nakahilata sa kama at nakikipagtitigan sa kisame at telepono niya. Magtatakipsilim na't matatapos nanaman ang araw na mag-isa siya, pero ayos lang naman dahil wala si Jimi...
Nah, hindi talaga. nakikipagsagutan nga siya sa kanyang innermost voice na panay banggit na 'di talaga siya natutuwa at gusto niya nang i-text ang nakababata para malaman kung sa'n nanaman 'yon naglakwatsa.
'Di niya naman akalaing magiging gano'n 'yon kahirap—sa tagal na pala nilang 'di nagte-text-an e naiwan pa ang usapan nila sa linyahang "manigas ka" at "ayos lang, wala namang matigas na jiminnie sa mainit na pagmamahal ni min yoongi yieee". Ngayon niya pa lang nabasa 'yon pagkatapos ng ilang buwan kaya mas lalo lang siyang nahiyang magparamdam.
Dahan-dahan nang pumipikit ang mga mata niya nang biglang may kumatok sa pintuan. Sa pag-aakalang room service lang 'yon e hindi na siya tumayo subalit narinig niya ang tinig ng babaeng nagsasabing, "Yoongi-nim? Andyan ka ba? Bangon na diyan."
Isa lang naman ang tumatawag sa kanya ng Yoongi-nim kaya tamad na tamad siyang rumolyo paalis ng kama at naglakad sa pintuan.
"Ano?" walang kabuhay-buhay niyang tanong.
"Yoongi-nim, larga tayo." kaswal na sagot ni Nick. "May pupuntahan akong liga, ikaw paglalaruin ko."
Niliitan niya ang awang ng pinto, "Wala 'kong gana. Ikaw na lang."
Ngunit pinigilan siya nito. "Dali na po. 'Yong kaibigan ko kasi, nataong may practice kaya do'n ko siya bibisitahin. Sabi niya, magsama 'ko ng pwedeng maglaro kung meron kaya ikaw 'yong una kong naisip. Wala namang rehearsal kanina kaya sumama ka na."
Napanguso 'tong nakatatanda dahil unti-unti nang nakukumbinsi.
"Naglapag sila ng 10k dollars." Inalog-alog na siya nito sa braso, "Sayang 'yon, Yoongi-nim!"
"10k?" Nanlaki ang mga mata niya sabay bitaw sa pinto at naghalungkat sa bag, "Let's go!"
"'Yon! Magkakapera tayo!" masayang wika nito bago makipasok. "Nagbigay rin po ako ng 10k kaya galingan mo ah! Fifty-fifty po tayo 'pag nanalo ka!"
"Seventy-thirty. Talent fee."
"Grabe! Magkasama naman po tayong pupunta tsaka aalis do'n!"
"Ako maglalaro e." Napatigil siya sa bungad ng banyo, "Sige, eighty-twenty o 'di kita sasamahan?"
"Aish—sige na nga! Seventy-thirty, seventy-thirty na po!"
Malakas lang din ang loob ni Nick dahil pera naman ni Fei ang panggastos. Kukubra pa siya e isa rin palang oportunista si Yoongi. Hindi na lang siya papalag sa ngalan ng kanilang plano.
"Ang bilis ah." komento ni Nick paglabas nito sa banyo. "Perang-pera masyado, Yoongi-nim?"
Binalikan niya ang mga maleta para kumuha ng mas maliit na bag, "Kumakayod lang."
"Kahit twalya at damit na lang po 'yong dalhin mo! Sagot ko na 'yong sasakyan at pagkain."
"Wow." Dumiretso ang tindig niya't tumingin sa nakababata, "Sige ah, ito na lang 'yong ilalagay ko." Hinampas-hampas niya pa 'yong bag para humumpak. "Ikaw na bahala sa'kin. Tara na."
BINABASA MO ANG
We're not Happy Family
FanfictionSa nakatakdang pag-disband ng BTS ay hinanda sila ni PD-nim na maglakbay sa buong mundo para isakatuparan ang isang joint farewell concert kasama ng NERVE na kanilang juniors. Subaybayan ang mga bida sa pagbuo ng samu't saring kwento ng katatawanan...