Nang matapos na ang birthday ni Jungkook e natapos na rin syempre ang surprise nilang siksik sa paandar. Nagpasundo nga sila kay Sejin-nim pero wala sa usapang dumating siya nang napakaaga, e 'di bale na dahil pabor naman 'yon sa mga mastermind para makabalik-realidad agad sila't makapag-usap-usap.
"Sa kwarto ko pa talaga?" umiirap pang tanong ni Yoongi sa mga tauhang naro'n.
"Dito tayo nagsimula kaya dito rin tayo magtatapos. Wala nang pero-pero." sagot ni Jin.
"Hyung, ang cute ng kuha ko sa'yo oh!" sabi naman ni Jimin na tuwang-tuwang nagso-scroll sa mga bagong angkat niya ng litrato at video ni Yoongi. "Hyung, anong magandang wallpaper? Ito o ito?"
"Wala." Isang irap para sa kanya, "'Wag mong gamitin 'yong mukha k—"
"Ay, ito!" Walang pasintabi siyang bumalik sa telepono. "Ito na pala Hyung, tingnan mo!"
Sa pagkakaalala ni Yoongi e parang may-pandak-na-sasaeng 'yong kabuoang experience niya sa Blue Mountains kahapon. Hindi na nakakapagtaka kung 'yong wallpaper ni Jimin e naka-selca habang nakatayo lang siya't nagsa-sightseeing ng bundok sa gilid kasi na-stolen siya ro'n.
"Ang inosente mo tingnan." Ang laki pa ng ngiti niya pagkapatay no'ng phone ta's muling sumindi. "'Yan, home screen at lock screen ka pa sa'kin ah."
Sumimangot siya, "Nakakakilabot amputa."
"Ang tagal nila." wika ni Fei nang tumingin sa relo niya. "Anong petsa na..."
"September 2. 'Wag kang OA, umaga pa lang." side comment ni Dania.
Maya-maya pa'y may kumatok na rin sa pinto dahilan para magsiayos sila. Si Nick na nasa malapit ang nabigyan ng karangalang pagbuksan si Taehyung at Jungkook na pa-VIP at tanging kanina pa nilang hinihintay.
"Sorry po. Nakatulog ako." panimula ni Jungkook nang pumasok ng kwarto.
"Ikaw? Nakatulog ka rin?" sabi pa ni Jin kay Taehyung.
Nagtakip ito ng leeg. "O-Opo."
"Well, gano'n talaga matulog ang mga magsyota, 'di ba?" pagpapatuloy ni Fei na sumulyap pa kay Jayoon at Hoseok. "Pero, Jungkook-ah, as much as I'm happy na kayo pa rin ni Taeh, I'm afraid I'll be the one to take it from you this soon."
"Po?"
Makabagbag-damdamin siyang bumuntong-hininga. "Hindi naman sa KJ ako; sadyang mabigat lang sa'kin para pilitin kong maging masaya kahit hindi."
Napakiling tuloy siya, "Noona? Bakit? Totoo po bang—"
"Nangyayari 'to? Oo. Malamang, naguguluhan ka pa kasi hindi mo inaasahan at hindi ko pa inaamin, pero, 'wag kang mag-alala kasi hindi ako umaasang magkapake ka. Gusto ko lang na malaman mo 'to para hindi tayo makasagabal sa buhay ng isa't isa. Bahala ka kung anong gagawin mo, basta magkaro'n tayo ng kapayapaan, Jungkook-ah. Kasi—"
"Fei-noona. Naiintindihan ko na." Sumulyap muna si Jungkook kay Taehyung at tinanguan siya nito. "Ayos lang 'yan! Masyadong marami na rin 'yong pinagsamahan natin para isipin kong sagabal ka. Hindi naman magbabago 'yong tingin ko sa'yo dahil lang do'n, kasi ikaw 'yan tsaka tao lang naman po tayo—nagmamahal lang. Makakahanap pa po kayo ng taong mas karapat-dapat para sa inyo, kasi ako po, kay Taeh na po 'ko masaya at siya na po 'yong gusto kong makasama."
BINABASA MO ANG
We're not Happy Family
Fiksi PenggemarSa nakatakdang pag-disband ng BTS ay hinanda sila ni PD-nim na maglakbay sa buong mundo para isakatuparan ang isang joint farewell concert kasama ng NERVE na kanilang juniors. Subaybayan ang mga bida sa pagbuo ng samu't saring kwento ng katatawanan...