Alas-nwebe ng gabi, and this time check is brought no'ng mga bidang pasimuno ng walwalan.
Hindi naman sila naghanda masyado para sa selebrasyong naisip lang nila kaninang umaga, bukod sa kilo-kilong karne at gulay, mga bote ng alak, at nakaantabay na anti-hangover medicines. Sa katunayan, alas-syete pa lang no'y pinagluto na nila si Junghyeon ng family-friendly na hapunan—by nila, I mean si Jungkook nga. Excited na rin kasi siyang tumagay at makipagbardagulan kaya maaga niyang inasikaso 'yong bata para makakain na't makatulog sa taas.
Sina Dania, Jin, Hayoon, at Mitch pa rin ang mga nagpatakbo ng kusina habang sina Namjoon, Yoongi, Hoseok, Sandra, Jayoon, at Nick ang nag-set up sa bakuran. Kaya wala sa production staff si Jimin, Taehyung, at Fei e dahil na-kick out sila matapos mandekwat ng ulam at ilang inumin.
Ngunit ano't ano pa man, naluto na ang niluluto, maayos na ang inaayos, at handa na ang hinahanda.
Finally, opisyal na silang nagsisimula!
"Lider-nim, ano 'yan?" puna ni Nick kay Fei nang may kunin itong bowl ng mga card mula sa ilalim ng mesa. "Nga pala Jin-nim, ang sarap ng nilasing na fried chicken mo!"
Humawak naman si Jin sa dibdib at yumuko, sabay lumitaw 'yong mahiwagang bowl sa harap niya.
"Dahil 'di ka naman iinom Kuys Jin, ikaw na lang 'yong tagabunot." Sandaling tumahimik si Fei para may suspense. "Bagong-bago kasi 'tong lalaruin natin—let's call this truth-or-drink!"
Naging matunog ang ohhh at ahhh ng mga 'tong hindi papahuli sa gimmick!
"'Yan! Chismis 'yong dahilan kaya ka nagpaganito e!" diretsahang wika ni Dania sa katabi.
"Well, maganda naman 'yong timing, 'di ba?" diretsahang tugon ni Fei. "Tsaka, 'di niyo 'ko pinagluto kanina kaya ito na lang 'yong ambag ko: fun and games."
Tsaka siya tumayo.
"Ganito 'yan: Magpapatugtog ako at 'pag tumigil 'yong kanta, bubunot ng card si Kuys Jin para sa natapatan ng bote. Kailangang sumagot ng katabi niya sa kaliwa tapos siya naman, pero kung ayaw nila e kailangang uminom... Uubusin 'yong isang bote ah?"
"Sure!" kampanteng sagot pa ni Jimin.
And so the game began. Sinimulan nilang patugtugin ang The Truth Untold para sa unang rotation. E dahil kinarma ata at suki ng buena mano, itong si Jimin ang unang natapatan ng umiikot na espirito.
"Akin na, Jin-hyung... Oh!" Natawa siya nang mabasa 'yong tanong. "Kim Taehyung! Ano 'yong pinakamalalang bagay na ginawa mo sa isang relasyon?"
"Weh, nasa tanong 'yan?"
Inagaw pa nito ang card sa kanya, "Oo nga! Ayaw maniwala!"
Kaya pagkabasa'y napailing siya. "Mm-mm. Pass."
E 'di binuksan niya ang bote at sumigaw ng "Sorry!" nang lagukin ang alak na laman no'n! Nagpalakpakan naman ang mga gago dahil sa mandirigma niyang pag-inom!
"Ang KJ! Simula pa lang e!" nakangusong tugon ni Jimin, "Ba't 'di mo sinagot?!"
"E 'di kasi patas 'yon! Gano'n 'yong akin tas gan'to lang 'yong iyo?" Sabay basa no'ng pangalawang tanong. "Kung ito pa lang 'yong unang beses na magkikita tayo, kakaibiganin mo ba 'ko?"
![](https://img.wattpad.com/cover/136170533-288-k707917.jpg)
BINABASA MO ANG
We're not Happy Family
FanfictionSa nakatakdang pag-disband ng BTS ay hinanda sila ni PD-nim na maglakbay sa buong mundo para isakatuparan ang isang joint farewell concert kasama ng NERVE na kanilang juniors. Subaybayan ang mga bida sa pagbuo ng samu't saring kwento ng katatawanan...