Engaged na si Hoseok at Jayoon, nabunyag na kay Yoongi ang noo'y lihim na misyon, nagkaaminan na sila ni Jimin sa mga nararamdaman nilang totoo, hanggang may nasapak at sumakit ang puso. Lahat ng 'yan e nangyari sa loob lang ng isang gabing inilagi nila sa New York.
"'Wag kang bumitaw sa'kin, kapit, lalarga na tayo, ugh!" Sabay hawi ni Jungkook sa mic ni Mitch, "Konting bilis pa po. Sige, ulit."
Marami talagang new ngayon matapos ang drama nila kahapon—isa ro'n e ang unti-unting pagbabalik ng original version ng Eureka kung saan sabay-sabay silang kakanta at sasayaw. Kung matatandaa'y unti-unti nang bumabalik ang boses ni Jin, subalit kahit excited na sila sa posibilidad na matuloy ang full performance e kailangan pa rin ng ibayong pag-iingat. E 'di 'yon, sa kalahati ng buong rehearsal day e nagko-choreograph sila ng almost-but-not-quite version ng sayaw para sa songerists na noo'y pakalat-kalat sa stage.
"Paglubog ng araw pak-pak-pak! Magpapaalam sa umagang pak-pak-pak!" Aba e ganadong-ganado rin 'tong si Hoseok; 'di na kataka-taka kung ba't siya inspired. "Ano ba, Taehyung-ah? Sabi ko sa'yo, slide-kanan nga!"
"Inapakan ni Chim 'yong sintas ko!" alma naman nito.
"Hoy, ang layo ko ah!"
"Magkatabi kaya tayo!"
"Nasa likod pa 'ko!"
Umawat si Dania na napapagitnaan nila, "Ako 'yon, ako 'yon! Jusko naman kayo!"
"Luh, siya 'yon e..." Napakamot na lang sa ulo si Taehyung bago iika-ikang gumilid at nagsintas.
Pinasadahan ni Jayoon ang kanyang Unnie ng tapik sa likuran, "Nice save."
"Kaya niyo 'yan, dali." At sa baba ng stage kasama ng nakaupong banda e naro'n si Hoseok para makita 'yong blockings nilang mas maayos na kesa kanina, "Sa kanan ako diyan... Sige, tuloy-tuloy! Paglubog ng... three, two, one!"
"Paglubog ng araw ng kahapon~" Umalingawgaw ang tanging mga boses at yabag nila sa kalakhan ng bakanteng stadium, "Pagsapit ng dilim ay natagpuan ko~"
Gumitna si Mitch, "Ang nag-iisang liwanag na ikaw~"
"Taeh! Slide-kanan!"
Ayan na 'yong parteng natigilan nila, "Humawak ka sa'king kamay~"
Sumunod si Dania, "Samahan mo 'kong maglakbay~"
"Jimin-ah, Sandra-ya!"
"Ba't may pagano'n, Hobi-nim?!" Napapalakpak pang parang timang si Fei at Nick sa kinauupuan nila nang humawak si Jimin sa kamay ni Sandra at inikot niya pa! "Pwede ba 'yon?!"
"Aayusin natin 'yan—kalma!" sagot ni Hoseok tsaka bumalik sa pagbibilang.
"Sabi ko sa'yo e!" Tumuro pa si Fei sa sarili niya, "Mananalo na dapat ako oh!"
Mananalo ba dapat? Relate na relate diyan si Yoongi kaya ang tahimik sa tabi nila.
"Konti na lang, Jin sunbae-nim, do'n na rin tayo." wika naman ni Hayoon na tuwang-tuwang inuugoy ang ulo sabay sa awitin.
"Makakarating din tayo diyan." nakangiting tugon nito. "Pero, dito muna 'ko sa banda para nakaupo ako."
"If I'll think of it like that... Oo nga."
BINABASA MO ANG
We're not Happy Family
FanfictionSa nakatakdang pag-disband ng BTS ay hinanda sila ni PD-nim na maglakbay sa buong mundo para isakatuparan ang isang joint farewell concert kasama ng NERVE na kanilang juniors. Subaybayan ang mga bida sa pagbuo ng samu't saring kwento ng katatawanan...