WNHF 9: Ang awiting ito'y para...

80 4 0
                                    

'Yon pala ang plano ni Taehyung na ayaw niyang ipabuking kay Fei—may pa-surprise house visit si Park Bogum. Bukod sa pasalubong nitong flower bouquet, fruit basket, at meryendang para dapat kay Jin 'yong iba at padala kay Jungkook na akala nila'y magtatagal pa sa ospital e personal lang namang nagpunta ro'n ang kanyang kaibigan upang kumbinsihin siya sa huling pagkakataong kunin ang lead role ng pelikulang pagtatambalan nila sana. Gayunpaman e pinal na ang desisyon niyang tumanggi dahil mas pinili niyang mag-focus na lang muna sa kanilang pagdi-disband... At least, 'yon ang sinabi niya.

Mabuti nga at isang gabi lang ang special appearance nito sa buhay ng mga bida dahil katumbas na no'n ang ilang araw na pangongontrabida ni Jimin sa tangkang pag-alam ni Yoongi at ibang mga bida sa katotohanan. Kasinungalingan dito at kasinungalingan doon; samahan pa ng konting acting para patibayin ang palusot na ayaw lang ni Taehyung at Jungkook ng lantaran kaya sila may mga eksenahang gano'n.

E kay layo na talaga ng inabot no'ng "Hyung, usap tayo mamaya."

Nakabuo na nga sila ng kanta e.

Sa studio: Hawak ang mga papel na naglalaman ng lyrics, nakabilog ang katorse sa iba't ibang grupo base sa kanilang line distribution. Kasalukuyan nilang pina-practice nang maiging-maigi 'yong kanta bago dumirekta sa recording na magsisimula rin sa parehong araw na 'yon.

Kaya narito muli si Jimin kasama ni Sandra, Hayoon, at Jungkook na kakanta sa bridge.

"'Di ka na malulumbay~" Sum-ample nang naka-falsetto si Hayoon para sa kaalaman nilang lahat. "Ito 'yong pinakamataas na parte ng kanta kaya andito kayo, Sandra-ya at Jiminnie."

At kaya andito si Jungkook dahil gusto niya lang talagang malayo sa chorus team. Ang hindi niya napaghandaan e 'yong magiging literal na tagapagitna siya ng SanMin kaya naro'n siyang ipit na may manyakis sa kanan at amazona sa kaliwa habang pinakikinggan ang isa pang noona niyang magiliw na nagsasalita sa kabila ng katahimikan.

"Let's try this individually. Mauna ka na Jiminnie tapos ikaw, Sandra-ya. Pwede mo ring subukan 'to Jungkook-ah, at kung maaabot mo naman, you might just get this part..."

Inunahan niya na, "E 'di pwede pa 'kong magpalit?"

"Oy!" Ngayon pa lang makakaganti si Jimin pagkatapos ng pahamak niyang walk out no'ng nakaraan, "Amin nga 'to ta's aagawin mo? Bumalik ka nga do'n, panira ka e!"

"Bakit? E sabi ni Hayoon-noona, pwede ko namang subukan! Oh," Sabay awit, "'Di ka na malulumbay..."

Hindi siya pwedeng magpatalo kung 'di e siya naman ang malalayo kay Sandra kaya tinaasan niya pa. "'Di ka na malulumbay~"

E tinapatan ni Jungkook, "'Di ka na malulumbay~"

Tapos biglang huminga si Sandra nang malalim at bumirit, "'Di ka na malulumbay~!"

Pero tumayo na si Jimin at humugot sa nakakuyom niyang kamao! "'DI KA NA MALULUMBAAAY~!"

Katahimikan.

Tapos palakpakan!

"Whoa! Ang galing ni Jimin-nim!"

I-rewind na nga 'yan pabalik ng first verse dahil tumalon agad ang track sa bridge. Kay Nick 'yon na maswerteng magra-rap kasama ni Yoongi at dahil silang dalawa lang din e pumwesto sila sa sulok ng rehearsal room na pinakamalayo sa gulo. Gano'n katindi ang tinig nila Jimin para mapukaw maging 'yong nananahimik nilang atensyon.

We're not Happy FamilyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon