WNHF 20: You do note is the liar

52 3 0
                                    

Pagkatapos no'ng mini-party slash press conference, dapat e uuwi na lang si Bang Sihyuk at magpapahinga sa bahay. Ngunit ito, takipsilim na, nagliligpit na ang maintenance team pero nasa parehong event hall pa rin siyang nakaupo at kausap ang walang-kamatayang Bangtan at NERVE.

"...kaya 'yon, magwo-world tour tayong Big Hit family in celebration of this year's anniversary. To be continued." sabi ni PD-nim sabay ngiti sa kanilang mga nasosorpresa pa rin.

"Bakit, akala niyo ba talaga, tayo-tayo lang?" Nakangising sumandal si Dania sa upuan niya. "Syempre, magdi-disband na tayo e."

"Grabe 'to oh." side comment ni Jin na napatulak pa nang beri-beri light sa kanya.

"Baka ang ibig sabihin po ni Unnie, syempre, magdi-disband na tayo kaya ito na rin 'yong huling pagkakataon natin! Hinahayaan na tayong sulitin 'yong natitirang panahong kasama natin sila hoobaenim at sunbaenim para may mas maraming alaala tayong babaunin pagkatapos nitong concert." sagot naman ni Mitch.

"Ah... galing naman." pahabol pa ni Jin nang makipagturuan sa kanya bilang pagsang-ayon.

Si PD-nim e naghalukipkip bago magpatuloy, "Anyway, tama lang din palang nandito kayo, kasi gusto ko rin sabihing kayo na ang ipag-a-announce kong magdi-disband na kayo."

Tahimik silang nagsitanguan.

"Nang sa gano'n, kayo na rin 'yong bahala sa paraan kung pa'no magpapaalam sa ARMY at PULSE. Of course, you guys know them best."

"Nakaisip na ba kayo kung kailan, Leader-unnie?" tanong ni Jayoon sa katabi niya. "Ayoko na kasing biglain pa, ever again."

"Na-trauma ka ba? Marami pang ganyan—life's ahead." Tatawa-tawa naman si Fei. "Pero oo, meron na. Sa last stop ng concert natin gagawin 'yan."

"Oh, Los Angeles." Siya ring tinanguan ni PD-nim pagkarinig kay Jayoon.

"Tama nga naman... They'll never know until we're gone, parang gano'n." dagdag ni Hayoon.

"Well, I hope I made this clear. The rest of the details are already sent by your managers via SNS, kaya i-check niyo pagkatapos nito."

"Yes, PD-nim."

Nagsiyukod sila agad at isa-isa nang tumayo para lumabas ng event hall.

"Hatid ko na kayo sa labas, Namjoon-ssi?"

Syempre, hindi na nakatanggi si Namjoon sa kabaitan niya. Habang naglalakad nga sila'y puro pasasalamat lang ang natatanggap ni PD-nim mula sa kanya. Hindi pa maiwasang ngumiti ng dalawa sa mga nauuna nilang kasama—parang mga anak at kapatid nila itong lumaki sa tamang landas at nakaka-proud tingnan sa malayo.

"Alam kong paulit-ulit ko na 'tong sinasabi, but it still turned out na parang sa'yo ko sila pinagkatiwala dahil ikaw ang Kuya." wika ni PD-nim pagkatigil niya sa bungad ng stairwell. "Wala na 'kong masabi. I'm forever thankful for your wisdom and presence."

"Nako PD-nim, salamat din po." sagot ni Namjoon at yumukod pa. "Wala rin naman po ako dito kung 'di dahil sa inyo at sa kanila."

"'Yon ang mahalaga—natatandaan mo lagi kung ano 'yong mga nagpapasaya sa'yo at pinagpapasalamat mo." At tumuro si PD-nim sa NERVE na nagsisipasukan na sa sasakyan. "Ako naman, pinagpapasalamat kong dumating sila dahil sa tapang at tiwalang binigay niyo sa'kin."

We're not Happy FamilyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon