Lights? Check!
Sounds? Check!
Positions, performers!
The show begins in...
"Three! Two! One!"
AAAAAAAHHHHHHH! Lahat ay mag-ingay para sa gabing pinakahihintay ng mga bida! Nagtipon ang libo-libong fans para saksihan ang isa sa pinakamalaking event sa kasaysayan ng Big Hit, na kinabibilangan ng pinakamalaking mga bituin, na magtatanghal sa pinakamalaking venue lang naman sa South Korea!
"Discovery starts now, Eureka starts now! Mag-ingay, Seoul Olympic Stadium!"
Hindi magkamayaw ang lahat nang magliwanag ang paligid at isa-isang inakyat ng riser ang bawat artistang pinunta nila. Opening number pa lang 'yon pero dahil bigay-todo na e masigabo kaagad ang mga sigawan at palakpakan!
Tsaka lang humupa ang ingay nang mamatay muli ang mga ilaw at mag-flash ang VCR ng unang sasalang. Habang nag-e-enjoy ng ibang sunbae at hoobae sa entablado, ang katorse'y naro'n sa backstage—binibihisan at hinihintay lang na hudyatan ng staff.
Kabababa lang din ng Bangtan sa stage pero in 10 minutes kasi e may intermission agad sila. Ang kaso lang, imbis na magpalit ng damit e naro'n pang inaasikaso nila si Jin na biglang nag-hyperventilate sa dressing room!
May garalgal pa ang boses niya nang sabihing, "Kayo na lang kaya? Sorry... Parang hindi ko kaya 'to e. Parang nanloloko ako e."
"Hindi, Hyung! Kailangan mong maniwala sa sarili mo!" sagot naman ni Taehyung. "Maraming naghihintay sa'yo sa labas!"
"Hindi niyo naiintindihan e..." Pagkailing niya'y nagsitulo pa ang mga luha niya. "Hindi..."
Lumapit si Jimin sa upuan niya't niyakap siya nang mahigpit. "Hyung, naniniwala lahat ng ARMY sa'yo! Pati kami, pati sila Noona! Lahat!"
"Hyung, ngayon pa ba? Nandito na tayo oh!" dagdag naman ni Yoongi.
Si Jungkook e napakuha ng tissue at binigay sa umiiyak niyang Hyung. "'Wag ka nang umiyak, Worldwide Handsome-hyung. Sayang makeup!"
At si Namjoon na nakaluhod sa harap niya, "Hyung, Hyung... Tingin ka lang sa'kin ta's sundan mo 'ko... Hinga, buga... Hinga, buga... Hinga, ganyan nga..."
Pilit rin siyang sumunod sa kanya habang nagpupunas ng pisngi. "Kasi... pa'no kung malaman nila 'yong sakit ko? Pa'no kung... ayaw na nila sa'kin dahil do'n? Hindi ko kayang humarap nang ganito. Baka magalit ang ARMY sa'kin, baka magalit ang ARMY sa'tin!"
"Hyung, magagalit ang mga tao sa 'di nila maiintindihan, hm?" Sabay hawak nang mahigpit sa kamay niya. "Ikaw na mismo nagsabi niyan, 'di ba?"
"Mm-mm."
"Kaya ano naman? Kapag nagalit sila, ano bang gagawin ng Jin-hyung na kilala namin?"
"Kakanta."
"At?"
"Sasayaw."
"At?"
"Magpe-perform."
"Tama! Ikaw 'yon! Tayo 'yon!"
BINABASA MO ANG
We're not Happy Family
FanfictionSa nakatakdang pag-disband ng BTS ay hinanda sila ni PD-nim na maglakbay sa buong mundo para isakatuparan ang isang joint farewell concert kasama ng NERVE na kanilang juniors. Subaybayan ang mga bida sa pagbuo ng samu't saring kwento ng katatawanan...