WNHF 1: Waitering with you

207 11 6
                                    

Sa pagpapatuloy ng kanilang mga araw, pagkatanghali'y lumuwas ang katorse para ipagdiwang ang kaarawan ni Sandra at magsalo-salo sa unang pagkakataon. Mukhang hindi pa nga sila nakuntento sa conference room at tinuloy na sa restaurant ang kulitan.

"Hello, everybodeh!" Si Hoseok na naka-floral polo no'ng araw na 'yon ang inalay ng anim na umentrada sa NERVE. "Happy birthday, Sandra-ya!"

"OOOH!" Nasundan 'yon ng ingay ni Fei na nakikipagkompetensya sa kanilang maknae. "Nick-iya, pa'no ba 'yan? Ikaw talaga magbabayad; hindi si Jiminnie 'yong bumati e! Wahahaha!"

"Oy, Lider-nim! Baka magkasabwat kayo ni Hobi-nim ah!" alma naman ni Nick.

"I can guarantee; Leader-unnie's not cheating. I've been talking to him 24/7... Right, Hobi-oppa?"

Nagbesuhan sila ni Jayoon nang makalapit sa isa't isa. "Totoo! Ayaw niya na nga 'kong bitawan e." Sabay tawa nang humawak ito sa braso niya, "Oh, kita mo?"

"Aish!" Marahan siyang hinampas nito. "Anyway, take a seat first! Hinahanda pa 'yong mga pagkain natin e... Mga sunbaenim, please do!"

"Sige nga, tabihan mo 'yong crush mo." pabulong namang hamon ni Yoongi kay Jimin nang makita niya muli 'yong tahimik na dilag at medyo seryoso ang mukha-nakilala niya agad kasi hindi pa rin nagbabago ang ekspresyon nito at mas lalo lang atang tumindi dahil init na init itong naglalaro sa phone.

"'Yon lang ba, Hyung? Tsk, 'kala mo ah." E sa pagkakapal-kapal rin ng mukha niya'y inokupa niya nga ang upuan sa tabi nito at malugod na sinabing, "Kumusta ka, Sandra-noona? Happy birthday nga pala."

E sa kamalas-malasan di'y walang pagtingin-tingin lang itong umurong nang onti palayo sa kanya.

"Ha-ha, kumag." Nginisian pa siya nitong nakatatanda nang maupo sa tapat nila. "'Kala mo ah."

Sunod na naupo si Taehyung sa tabi ni Jimin, "Kumag ka pala e."

"Sige nga, tabihan mo si Jungkook-ah; tingnan natin kung sinong kumag." ganti niya.

"'Di na kailangan; dito pa nga lang, talo ka na." Ngayo'y yumukod siya sa direksyon ni Sandra para patunayan 'yon, "Happy birthday po, Noona. Sana makapagsimula ka ng magandang taon."

"Aw! Taehyung-ah, that's sweet!" tugon ni Hayoon sabay kalabit kay Sandra, "Uy, don't tell me na magmumukmok ka na lang buong araw sa kakalaro diyan hangga't 'di ka tinatawagan ni Byul-nim ah! Pansinin mo 'yong mga bumabati sa'yo! They wish you well!"

Bumuntong-hininga ito dahil nasa kalagitnaan pa siya ng match, "Teka lang; hindi ko matitigil 'to."

"Come on, hanggang bukas pa 'yang teka mo." Humugot siya ng phone sa kanyang bulsa, "Ako na ko-contact kay Byul-nim so I'll be gone for a while. Batiin mo sila, okay?"

"Pero-"

"Own it, birthday girl!" Sinenyasan niya pa ito ng hwaiting bago tuluyang tumalikod at maglakad palayo.

"Ugh, pinatalo mo nanaman ako!" May konting irap nitong binaba ang phone at labas-sa-ilong na sinabing, "Magandang araw nga pala. Salamat." At kanyang inigihan ang masid sa mga nakababatang katabi niya at tila ibig idagdag na "Ano? Ayos na ba?"

"Mukhang 'di naman maganda 'yong araw mo, Noona." tugon ni Jimin kaya siya ngayon ang napagtuonan niya ng pansin. "Birthday mo naman ngayon kaya gawin mo lang kahit anong gusto mo. Ayos lang kami kahit 'wag ka nang bumati."

We're not Happy FamilyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon