Sa hinaba-haba man ng pilitan, sagutan, at iyakan, sa huli e natapos na rin ang misyon ni Jimin.
Magdi-dyis-oras na no'n nang sila'y nakabiyahe pabalik sa hotel; natuwa ata masyado ang dalawa na kahit lumalim na ang gabi'y buhay pa rin sila at hindi nakatuldok sa kanilang mga pangungusap.
"Kahit kailan, hindi ako nagka-boyfriend dahil palagi nila sinasabing sobrang sungit ko. Ayoko na rin naman kung papakialaman pa nila 'yong mukha at katawan ko." Si Sandra pa ang kasalukuyang nagkukwento sa nakababata. "Ba't 'di mo pa kasi tinanong lahat kanina kay Rhian-ah? Kailangang ako pa talaga."
"Tinanong ko kaya." may-kakapalan-din-ng-mukhang sagot ni Jimin. "E sabi niya, mas maganda raw kung 'wag niya nang sagutin para may makwento ka pa." Sinundan niya pa ito ng ngiting nawawalan ng mga mata.
Ewan ba ni Sandra kung maku-cute-an siya o mabubwisit sa pagka-intrimitido niya.
"Tsaka, masungit ka ba? O baka nasasanay na lang ako? Mukha ngang masaya ka kanina e." dagdag niya pang gano'n, "Kahit 'di ka masaya kasi kasama mo 'ko."
"Sinabi ko ba?"
"Mm?" Kung sarkastikong sasagot si Sandra e magbobobo-bobohan na lang si Jimin. "E 'di... masaya ka pala talaga kasi kasama mo 'ko?"
Hindi naman uto-uto ang dalaga para umulit; nairapan siya tuloy.
"Kung gano'n... salamat kasi napapasaya pala kita." Tumawa siya at umiling. "Akala ko kasi, takot kang iwan kita 'pag nakita kong nakangiti ka na." Ayan nanaman siya't nagbubuhat ng sariling bangko, "Sabi na talaga, mami-miss mo 'ko e."
May kumawala pang hangin sa ngisi ni Sandra, "Mami-miss murahin."
"Kahit na, mami-miss mo pa rin ako." ganti niya. "Tsaka, 'wag mong isiping iiwan ka namin, Noona! Lalo na 'ko; 'di kita hahayaang mag-isa, 'no. Marami kaya kaming andito para sa'yo... sila Fei-noona, Nick-iya, Rhian-ah, pati sila Jin-hyung... kaya nga sabi ko no'n, 'di talaga kawalan si Byul-nim sa buhay mo. Sinamantala niya lang naman 'yong kalungkutan mo e; nakita mo lang din siyang madaliang sagot para matanggal 'yon."
"E ikaw?"
"Anong ako?"
"Nakita mo lang din akong madaliang sagot para diyan sa kung anong nararamdaman mo?"
Sa wakas, natameme rin si Jimin at hindi nakasagot sa kanya.
"Ano ba kasing gusto mong patunayan?" Sa sandaling 'yon e sumilip na ang pagka-noona ni Sandra. "Ilang beses mo pa 'to gagawin bago maisip na parang ikaw na lang 'yong naniniwala diyan sa gusto mong mangyari? Hindi ka naman naiintindihan ng lahat, Jimin-ah, at balang araw, baka ikaw na rin kasi walang makakapagpaalala sa'yo."
"Pero..." Nanatili siyang nakayuko nang ibulong, "Ikaw, naiintindihan mo ba 'ko?"
Tumugon ng katahimikan si Sandra.
"Ayos lang kahit 'di na 'ko maintindihan ng lahat; ang mahalaga, may iintindi pa rin sa'kin... Kahit isa lang. Kahit ikaw lang." Nang maramdamang bumabagsak na ang mood e pinagpaliban niya na ang sasabihi't nag-change topic sa pamamagitan ng pagdukot ng kung ano man sa kanyang bulsa.
Ay, mas lalo niya palang pababagsakin ang mood.
"Mm, Noona, bago ko pa makalimutan." wika niya nang ilahad 'yong SIM card at paruparong keychain. "Hindi ko 'yan binabalik para maalala mo 'yong masasamang nangyari dahil diyan. Binabalik ko 'yan para maalala mong dahil diyan kaya makakapagsimula ka na ulit."

BINABASA MO ANG
We're not Happy Family
FanfictionSa nakatakdang pag-disband ng BTS ay hinanda sila ni PD-nim na maglakbay sa buong mundo para isakatuparan ang isang joint farewell concert kasama ng NERVE na kanilang juniors. Subaybayan ang mga bida sa pagbuo ng samu't saring kwento ng katatawanan...