"Is that how you greet your Mom now, Sofia?" wika ni Mrs. Han sa anak niyang 'di makapagtago ng sorpresa at inis. "'Yan ba 'yong natutunan mo rito?" Sabay isa-isang tiningnan ang Bangtan at NERVE.
Sumingit na si Hayoon, "Mom, stop it. You've come a long way! Let me prepare something for y—"
"Don't bother. Aalis na 'ko." Sinulyapan niya muna si Fei bago magpatuloy. "Nakuha ko naman na 'yong kailangan ko."
"Anong ibig mong sabihin?"
Pagkaalis ng mga mata niya kay Fei e ngumiti naman siya, "Why don't you tell these frauds, Sweetheart? Just so I'll know you understood me clearly."
At kasabay ng narinig nilang cluck sa sapatos nito'y lumabas na siya ng kanilang pamamahay.
"Frauds..." Ngayo'y siya na ang nilapitan ni Jayoon, "Leader-unnie, anong eksaktong sinabi ni Mom sa'yo?"
"Ah, umuwi na raw kayo ng Sweden. Kulit nga e." Tinapik niya ang armrest ng sofa tsaka tumayo na parang walang nangyari. "Anyway, tapos na 'yong Eureka, 'di ba? Nick-iya, uminom nga tayo! 'Yong may pinakamalakas na tama, ah? 'Yong tipong makakalimot ako kung kailan ako pinanganak."
"Opo, Lider-nim! Gusto mo pa, 'yong tipong malilimutan mo kung pa'no ka ginawa e." Naglakad na siya paakyat, "Magbibihis lang po ako. Sinong sasama mamalengke? Oy ikaw, Sandra-unnie! Tigilan mong maglaro niya't magbihis ka na rin. Sasama ka sa'kin!"
"Wait!" humarang si Jayoon sa nilalakaran ni Fei, "Kailangan ko 'yong buo! 'Yong totoo!"
So may dinukot siyang plane tickets sa bulsa at pinakita nang nakatingin diretso sa kanya. "Alam mo kung anong ginawa niyo. Kakasuhan niya na raw kayo 'pag 'di pa kayo sumunod sa gusto niya."
"Jayoon-ah, anong nangyayari?" Nakahabol na si Hoseok, "Bakit nandito si Han-yeosanim? May mali ba?"
"Dada Hobs!" Bad timing pang lumapit si Junghyeon sa kanila.
"Po? Poging-pogi ang bagong-ligo namin ah." tugon naman niya't hinaplos ito sa balikat.
"Usapang matatanda lang 'to, Hyeonie." seryoso pa ring wika ni Fei, "At sabi nang 'di mo na siya Dada. Maghanap ka ng bago."
"Sobra ka..." nakangusong bulong ni Hoseok at hinawakan ang kamay no'ng bata. "Tara nga, do'n na lang muna tayo kila Jiminnie-hyung!"
Balik kay Fei at Jayoon, "Consider this as the consequence of your actions, Jayoon-ah. Kung ano man 'yong gagawin ko, dahil 'yon sa wala na 'kong choice. Sorry." At iniwan nito ang nakababatang mag-isa pagdiretso ng kusina.
"Jayoon-ah," Sunod niyang naulinigan ang boses ni Hayoon. "Anong sabi ni Fei-ya?"
Umiling siya. "Nothing better, Unnie."
Napabuntong-hininga na lang ito bago yumakap sa kanya. "Don't lose heart just yet... We'll talk to her some other time, okay? Ang bilis lang nito kaya baka nabigla lang din siya. We should be more than grateful that she faced Mom in behalf of us."
Naramdaman naman ng balikat nitong tumango si Jayoon.
Pagkakalas e tumuro siya sa second floor, "How about you freshen up? Sumama tayo kay Nick-iya mamalengke, hm?"

BINABASA MO ANG
We're not Happy Family
FanficSa nakatakdang pag-disband ng BTS ay hinanda sila ni PD-nim na maglakbay sa buong mundo para isakatuparan ang isang joint farewell concert kasama ng NERVE na kanilang juniors. Subaybayan ang mga bida sa pagbuo ng samu't saring kwento ng katatawanan...