WNHF 40: Never not think about you

68 2 6
                                    

"Pasensya na po kung hindi pa tayo pwedeng magkita-kita sa backstage." malumanay na wika ni Jungkook sa tahimik na dagat ng fans. "Kaya po para makabawi, may hinanda 'ko ngayong gabi para sa inyong lahat."

Sumunod lang ang mga palakpak nila nang magsibabaan ang ibang mga bida kasama ng mga sunbae at hoobae.

"Hala, ito na ba 'yon? Tinuloy niya 'yon?" gulat pang wika ni Jimin sa bestfriend niyang inaalog-alog niya, "Hala, ito na 'yon, Taeh!"

Ngumiti rin ito kahit wala siyang alam sa nangyayari. "Ito na nga, kakanta na si Gguk, bumaba na tayo!"

"Tanga, 'di ka bababa!" Ngayo'y naghihilahan na silang dalawa, "Jungkook-ah! 'Di ba, 'di siya bababa?!"

Lumingon siya sa kanila at mas lalong lumaki ang ngiting-kuneho niya nang humakbang palapit.

"Sabi ko sa'yo e! Alis na 'ko, ah!" Pagkatapos bigyan ng thumbs-up ang nakababata e dali-dali nang tumakbo si Jimin para iwan sila sa stage.

Pagkahawak ni Jungkook sa kamay ni Taehyung e bumakas agad ang alala sa nanlalaking mga mata niya. "Seryoso ka? Gagawin mo 'to? Ayos lang sa'yo?"

"Kailangan kong subukan."

"Yoongi-hyung! Ba't di ko 'to alam?" tanong pa ni Jimin habang pinapanood 'yong dalawang pumwesto sa gitna. "Ba't 'di mo sinabi sa'king gan'to pala 'yong gagawin niyo?"

"E maingay ka e, baka ipagkalat mo pa!" sagot niya.

"Kaya pala ilang araw mo na 'kong iniiwasan ah!"

Hindi na lang siya kumibo.

"Uhm..." Tinapat ni Jungkook ang mic sa sarili, "Sa lahat po ng anditong nanonood, sa fans, kila sunbae-nim, hoobae-nim, hyungnim, noonim... Gusto ko pong sabihin din sa inyo kung ano 'yong bago kong natutunan."

Nangibabaw ang click ng mga camera at hum ng mga naka-standby na equipment.

"Sa buong buhay natin, meron lang tayong tatlong bagay na dapat matutunang sabihin." Ta's dumiretso ang tingin niya sa mga mata ni Taehyung, "Patawad, salamat, tsaka... mahal kita."

Naghiyawan bigla ang lahat nang bitiwan niya 'yong mahal kita!

"Hoseok-ah! Tinuruan mo 'yan, 'no?" tumatawa nang side comment ni Jin. "Ikaw na ikaw e!"

"Syempre!" may pagmamalaking tugon din ni Hoseok sabay balik sa paghampas-hampas ng braso ni Namjoon, "Aaah, Joon! Kinikilig ako!"

"PROUD KAMI SA INYOOO! WHOOO!" buong-lakas at nakataas ang kamay na sinigaw bigla ni Namjoon! "'DI KAMI IIYAK, 'DI KAMI IIYAK!"

Natawa rin tuloy si Jungkook sa mga timang na nakatatanda sa baba, pero itong si Taehyung e naghahalo pa rin sa kaloob-looban ang saya at kaba para sa kanya.

"Nitong mga nakaraan, alam kong maraming nangyaring 'di maganda sa'tin... 'Yon po 'yong gusto kong ihingi ng tawad sa inyo."

Sagot naman ng audience, "Hin-di! A-yos lang!"

"Pero kahit anong pagsubok 'yong hinarap natin, napili niyo pa ring umunawa at manatili sa tabi namin. Nanood at nakinig pa rin po kayo at sobra kong pinagpapasalamat 'yon."

We're not Happy FamilyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon