Ngayong alam na nila ang pinakamalaking sikreto ng NERVE, pa'no naman no'n mababago ang kanilang sitwasyon?
Patapos nanaman ang concert at higit isang linggo na ang nakalipas mula nang maganap ang alitan ni Jungkook at Fei dahil sa paglitaw ni Jodgie. Kung sinuman sa kanilang dalawa ang may gustong patunayang kaya niyang mag-stand against the test of time, walang-kaduda-dudang panalo na ang nakatatanda, siya pa ang dadayo.
Kung tutuosi'y napaka-lonely ng buong panahong nanatili siya sa Singapore dahil simula no'ng magpang-abot sila'y parang namatay na rin ang lahat sa kanyang paligid. Masyadong maintindihin din ang mga kaibigan niya't hindi na siya pinakialaman pa sa kagustuhang mabigyan siya ng lahat ng space na kailangan niya.
"Ang mga tala'y nagbabago ng kulay, naliliwanagan ang bagong yugto ng buhay~"
"Paupo!" Bukod sa parte ito ng naunang plano ng katorse na ipawalang-bisa ang chismis na nasagap ng Dispatch, pagod na rin talaga si Taehyung at kung sinuswerte nga nama'y nahanap niya ang pahingahan sa tabi ni Jungkook.
"Oh," Iniistorbo niya 'yong drummer boy e, "Ayos ka lang?"
"Hindi." maagap nitong sagot sa pagitan ng paghingal. "Ibig kong sabihin," Tinuro niya 'yong bestfriend niyang lumilibot sa gilid, "'Yon, 'yon... Teka, nag-iisip ako."
Meron pa palang oplan para kay Yoongi, Sandra, at Jimin. "E 'di ba, sabi ni Jin-hyung..."
"Wala namang masama kung itutulak ko sila, 'di ba?" Sumenyas pa siyang, "Konti lang."
Nag-iwan pa ito ng yakap bago tumayo't magpunta sa gitna, "Good luck!"
"Chim!"
Lumingon naman ito sa tawag ni Taehyung, "Oh?!"
"Tinatawag ka ni Yoongi-hyung, bingi!" Sabay harap sa audience, "Yumukod na walang pinagsisisihan~"
For the first time in forever e ngayon lang siya muling tinawag ni Yoongi kaya daig pa niya si Pikachu sa sorpresang nababakas sa kanyang mukha. Syempre, hindi na pwedeng palampasin ang pagkakataong 'yon kaya dali-dali siyang lumakad palapit kahit umaawit pa.
"Ba't ka andito?" tanong naman ni Yoongi nang tumigil ito sa harap niya.
"Tinatawag mo 'ko, ah?" At ngumiting nawawalan-ng-mga-mata pa nga, "Ikaw ah... Ano ba 'yon?"
Kaso ngumiwi 'tong isa, "Wala!"
"E sabi ni—" E 'di lumingon siya pabalik sa likod. "Kim Taehyung-aaah!"
"Sa bukas, sa bukas, sa bukas~" Si Jayoon namang kumakanta e hindi na napigilan ang sariling lumapit kay Hoseok. "Hobi-oppa, sabay tayo!"
"Sure!" Nagsalo pa sila sa iisang mic, "'Di ka na malulumbay!"
Pagpapatuloy niya, "Sa bukas, sa bukas, sa bukas~"
At magmumura kaya si Jimin gaya ng pin-ractice niya sa outro?
"'Di ka na malulumbay~"
Ay, hindi naman, pero nakaturo lang siya kay Sandra... nang sinasadya.
"Good night, Singapore! Good night sa inyong lahat!"
BINABASA MO ANG
We're not Happy Family
FanfictionSa nakatakdang pag-disband ng BTS ay hinanda sila ni PD-nim na maglakbay sa buong mundo para isakatuparan ang isang joint farewell concert kasama ng NERVE na kanilang juniors. Subaybayan ang mga bida sa pagbuo ng samu't saring kwento ng katatawanan...