Pumikit na lang si Sandra no'n dahil pumutok na ang baril.
"Hyung! Hahabulin ko!"
Ayaw niya na kasing makita kung pa'no siya bumulagta.
"Sige na, Yoongi-ya! Kami na bahala dito!"
Pero imbis na sakit ang maramdaman niya...
"Tatawag ako ng medic!"
Si Jimin na nakayakap ang dumadagan sa kanya!
"Dali na, Yoongi-ya!" bulyaw ni Jin sa kanyang hindi pa rin makakibo sa sobrang taranta.
E kung mabaril nga naman 'yong taong iniingatan mo, titino ka pa ba?!
"Ano? Hahayaan mo lang si Jungkook-ah?!"
Mabagal na umatras si Yoongi at hindi pa rin nililihis ang tingin sa kanila.
"Kilos na!"
"Ito na!" At nang bumalik sa wisyo e kumaripas siya ng takbo!
"Jimin-ah... Teka." Agad nang binalikan ni Jin ang sitwasyon nila Sandra; hindi na kasi kaya ng dalaga ang bigat nito kaya pinaubaya niya kila Taehyung ang pagsuporta ng kanyang katawan.
"Kailangan pong tumigil ng pagdugo." sabi naman ni Mitch at walang pag-aalinlangang tinapal ang kanyang palad banda sa natamaang tagiliran nito. "Hahawakan kita dito, Jimin-sunbaenim. Kapit lang po, ha?"
Sa pangunguna ni Namjoon at sa pag-alalay ni Jin at Taehyung, sinalubong sila ng medical team na may dalang stretcher at ilang mga aparato. Agad nilang pinahiga ro'n si Jimin at binuhat hanggang sa ambulansyang naghihintay sa labas ng stadium.
"Ako na'ng sasama!" sigaw ni Fei na nagpa-panic na kaya pinipigilan nila Dania, "Ako mananagot nito!"
"Leader-unnie, stop!" wika pa ni Jayoon na nakakapit sa isang braso niya. "Please, calm do—"
"NO!" Dulot siguro ng adrenaline kaya nagawa niyang bumitaw sa mahigpit na pagkakapulupot ng mga kagrupo niya. "AKO NA!"
"Hobi-oppa," Sumulyap si Jayoon sa Unnie niyang nauna na sa masikip na sasakyan. "Please help her."
Tumango naman ito, "Sige. 'Wag kang mag-alala." At pumasok na rin doon.
"Tayo-tayo na lang." sabi ni Namjoon, "Bumalik muna tayo ng hotel. Pupunta tayo do'n mamaya."
"Joon-hyung, sasama 'ko!" pahabol ni Taehyung na maluha-luhang umakyat ng sasakyan.
Bago pa nakasagot si Namjoon e sinara na ng nakababatang 'yon ang pinto ng ambulansya. Habang pinapanood niya ang paliit nang paliit na sasakyan e unti-unti na ring nalusaw ang puso niya't rumagasa bilang luha sa mata.
Pagkaalis nila'y agad nang yumakap si Jin sa naiyak nilang leader-nim, "Namjoon-ah..."
"Hyung..." tugon niya't niyakap siya pabalik.
"Magiging okay siya." Sunod na lumapit si Dania sa kanila't nakiramay. "Magiging okay siya."
"Sorry..." Nag-iiyakan ang lahat maging si Sandra na nakadistansya sa kanila't nagpapasaklob sa langit at lupa nang mag-isa. "Kasalanan ko 'to..."
![](https://img.wattpad.com/cover/136170533-288-k707917.jpg)
BINABASA MO ANG
We're not Happy Family
FanfictionSa nakatakdang pag-disband ng BTS ay hinanda sila ni PD-nim na maglakbay sa buong mundo para isakatuparan ang isang joint farewell concert kasama ng NERVE na kanilang juniors. Subaybayan ang mga bida sa pagbuo ng samu't saring kwento ng katatawanan...