E itutuloy niya nga.
Kinaumagahan—at least, sa London—nakarating na rin sa Wembley ang Big Hit family. Wala pang rehearsal sa araw na 'yon kaya sinamantala nang maggala ng iba.
At hindi kasama ro'n ang mga unang bida nitong kabanata.
Effective kasi ang pang-uuto ni Yoongi kaya nahikayat niya si Jimin na manatili sa hotel at magpahinga na lang kasama niya. Tahimik na sana ang mundo ng dalawang 'to e—tuwang-tuwa pang nag-aayos ang nakatatanda ng kanyang mini studio, nang biglang may kumatok sa naka-lock nilang pintuan.
"Ang aga pa e." bulong niya dahil 'di niya naman mabitawan ang kinakabit niyang equipment, ngunit ang mga katok ay mabilis at malakas na parang nang-aapura talaga itong pagbuksan.
Sinubukan niya pang makipagmatigasan pero siya pa rin ang unang sumuko. Nakapa niya na sana 'yong pagsasaksakang jack no'ng gamit pero binitawan niya na para sandaling masilip ang nakaba-bad trip na mukha ni Jungkook sa peephole.
"Bastos ka." pambungad ni Yoongi nang awangan ang pinto. "Ba't ka andito?"
"Alam mo na 'yon, Hyung." diretsong sagot nito at nagsumiksik pa.
"T-Teka nga, teka nga." Pilit naman niyang tinulak ang pinto para 'di ito magtuloy-tuloy ng pasok. "Matutulog pa 'ko, istorbo ka e."
"E si Jimin-hyung? Andyan ba?"
"Tulog. Ang ingay mo pa."
"Ah... Mag-uusap sana kami." Napakamot na lang siya't sumilip-silip. "Kailan ako pwedeng bumalik?"
"'Pag gising na kami."
"Kayo?"
"Oo. 'Pag gising na kami pareho."
At bago pa makasagot si Jungkook e pinagsarahan na siya nito.
"Wala namang kayo, tsk." ani nito sa sarili at napaisip na lang na bumalik sa kwarto nila.
Oo, nila nga. At 'yon ang gusto niyang ireklamo kay Jimin kaya siya napasugod nang wala sa oras. Hindi naman sila tanga ni Taehyung para 'di mahalatang pinagkakaisahan sila no'ng mga hyung na 'yon; aba't magkasama nanaman kasi ang dalawa sa iisang kwarto kahit 'di sila nagpapansinan.
"E kung sabihin ko na kaya 'yong totoo? Joon?"
Samantala, naro'n nama't malayo-layo na rin ang nilalakad ni Namjoon at Jin sa Wembley habang kumakain ng waffles at nanonood sa ibang taong nagkakatuwaan. Buti na lang at nagyaya 'tong nakatatanda dahil ang presko ng summer air no'n at hindi nakabibigo ang mga itineraryo niya.
"Talaga? Lasing ka ba, Jin-hyung?" tanong pabalik ni Namjoon na natawa pa nang bahagya.
"Hindi... Lasing ako 'pag sinabi kong magaling na 'yong lalamunan ko." Ngumisi rin si Jin, "Ba't mo 'ko tinawanan? Buti nga, gusto ko nang umamin e."
"'Di lang kasi ako—"
Napatigil pa siya sa pagsubo no'ng waffle. "'Di tulad niyo, ang daming tinatago... Una si Taehyung-ah at Jungkook-ah, ta's pinagtatakpan pa ni Jimin-ah, e ikaw?"
Kumibit-balikat ito. "Wala. 'Di ko naman alam kung anong meron sa kanila."
"Maniwala."

BINABASA MO ANG
We're not Happy Family
FanfictionSa nakatakdang pag-disband ng BTS ay hinanda sila ni PD-nim na maglakbay sa buong mundo para isakatuparan ang isang joint farewell concert kasama ng NERVE na kanilang juniors. Subaybayan ang mga bida sa pagbuo ng samu't saring kwento ng katatawanan...