WNHF 16: Iisipin na lang panaginip lahat ng ito

58 3 0
                                    

Oh, bakit ba kailangan pang umalis? Kung pwede lang pakiusapan si Mrs. Han na 'wag nang lumihis ang magkapatid na Hayoon at Jayoon e matagal na nilang ginawa, kaso hindi talaga kinaya e. Ayon tuloy, naubos ang isang linggo sa pagpa-practice na may kasamang pag-iimpake ng gamit at sama ng loob.

Tinaon nilang umalis nang may kanya-kanyang inaasikaso ang ibang mga bida kaya ang umalalay sa magkapatid na maghakot e si Byul-nim—ang dakilang manager ng NERVE. Ayaw rin nilang ipaalalang baka hindi na sila magpang-abot dahil kung pormal pang magkakapaalaman e ang awkward no'n sa trabaho.

"Jayoon-ah, you still really think na ginusto talaga nilang mangyari sa'tin 'to?" tanong ni Hayoon na nasa front seat. "Wala kang kinakausap na kahit isa kila Fei-ya."

"What's the point?" sagot nito. "Will they care?"

"Oo naman! Kailan bang hindi?"

Nagkunot ang noo nito, "I'm done, okay? We'll never talk about this ever again."

"Come on! Stop sulking! Damn." Napawakli siya ng mga kamay. "Nanghihinayang na nga 'ko whenever realizing na despedida pala natin 'yong pa-chimaek nila Fei-ya at Jin-sunbaenim last week. I should've gone wild on that truth-or-drink."

"Whatever."

"But if that's what you want then take your time."

Nabaling na lang ang atensyon niya sa mamang nasa driver's seat.

"Anyway, Byul-nim, ano nga palang ginawa mo sa Corsica for two months? Prior to your departure ko pa binigay 'yong updated numbers naming lahat and ngayon mo pa napiling magparamdam no'ng aalis na kami? 'Di naman 'yon nakakatampo."

Natawa tuloy siya bago sumagot. "I'm sorry, okay? Busy kasi akong tumulong sa kaibigan kong mamahala ng casino niya. E dapat nga, 'di pa rin ako magpapakita kasi may top-secret mandate si PD-nim at Sejin-nim. Tumakas lang ako upon hearing what happened at dahil tumawag kang kailangan niyo 'ko."

"Oh... So, this is forbidden?" tanong niya pa nang nakaturo sa kanila.

"Well, oo, kung wala pa 'kong matatanggap na memo for exemption." Pagkapreno sa stop light e sandaling humarap si Byul-nim at tumuro din kay Hayoon, "Malalaman niyo na lang 'yon 'pag nakita niyo 'ko sa photoshoot."

"Really? We'll sure be waiting! Talaga 'tong manager namin, 'di na makatiis." At nang mapatingin sa phone e may naalala siya, "Speaking of, hindi mo ba kukumustahin si Sandra-ya? Sobrang miss ka na no'n, more than we do."

"Well, I do miss her too. Sobra."

"Ang tahimik at bugnutin niya na nga no'ng umalis ka tapos hindi ka pa nakabati no'ng birthday niya. Pati tuloy si Jiminnie, nadadamay sa topak niya."

"Jiminnie? You mean Park Jimin-ssi... nila Sejin-nim?"

"Yeah! They're currently staying with us—them, rather—kasi in-invite sila ni Hobi-ya at Jayoon-ah sa bahay. She even accused him na manyakis on the first night they slept over dahil nagkamali siya ng timing na pumasok sa banyo. Definitely, nami-misunderstood niya na 'yong courtesy ni Jiminnie. 'Yon din kasi e, 'di rin maitagong interesado siya sa kanya, so now, they're roommates and named SanMin."

"Oh." Sandali siyang natigilan. "Well, that's news."

"So I just really hope na presence mo na 'yong maka-cure sa mood niya."

We're not Happy FamilyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon