WNHF 8: Hawa-hawang kagaguhan

97 3 0
                                    

Makalipas ang dalawang araw, nasa ospital pa rin no'n si Jungkook at nagpapagaling sa pangangalaga ni Dania. Ang bilis ngang bumalik ng lakas niya e; talagang hayahay lang ang kailangan kahit medyo nasasawa na siya. Wala na rin namang magagawa ang nakababatang 'to bukod sa makipagchismisan sa matnoona, maghintay ng rasyon, tumingin sa bintana, at isipin 'yong mga naiwan sa bahay.

E bahay ba kako? Balak nga nila sanang 'di matulog do'n at sa studio na muna, kaso umapela si Jayoon at umepekto na rin ang food poisoning kay Mitch—dumating na 'yong lagnat na late nang ilang araw. Pumetisyon din si Taehyung na nagyaya ngang bumisita raw 'yong sinetch itey na nahuli ni Fei na kausap niya sa telepono.

Kaya ito, hatinggabi nang makauwi sila, hindi pa natatapos ang araw ni Jin dahil siya ang roommate slash substitute nurse ni Mitch na nangakong magluluto ng soup para sa kanya.

Maulan, malamig, malalim na ang gabi't malamlam pa ang ilaw sa kusina kaya damang-dama nito ang pagsesenti habang nakaupo sa kabisera ng long table. Ayaw niya pang patahimikin ang kanyang isip dahil mararamdaman niya ang katotohanang tulog na sila at nag-iisa na lang siya.

"Hyung."

Sabay may panira oh.

Mahinahon niyang tugon, "Wala 'kong pera."

"Libre lang makiihi dito kaya 'di ako nanghihingi." Sumulyap si Namjoon sa kalderong nasa stove bago bumalik sa kanya. "E 'yan, Hyung... Ano 'yan?"

"Nagluluto. Kusina 'to e."

"Oo nga." Tumuro siya sa hawak nito. "'Yong iniinom mo kasi."

"Whiskey." Kahit tasa naman 'yong iniinuman niya't umuusok pa 'yong ando'n?

Nakakaisang hakbang pa lang si Namjoon palapit e nalanghap niya na kaga'd 'yong halimuyak ng chamomile. "Tsaa 'yan e."

Isang higop nga dahil may tama siya, "Alam mo pala, nagtanong ka pa."

Tatawa-tawa siyang naupo sa tabi niya. "Hay... Nakaka-miss din, 'no? Pero 'yong mahalaga, naaalagaan mo 'yong sarili mo para gumaling ka na agad."

"Hirap din." At isang higop para diyan. "Hirap nga humabol sa inyo... Parang kada araw... unti-unti na 'kong nawawalan ng halaga sa inyo." Aalma na sana si Namjoon ngunit pinigil siya ng pagpapatuloy nito. "Okay lang, magdi-disband na tayo e. Pwedeng magkanya-kanya. Kahit 'di niyo na 'ko isipin... Ayoko lang magpabigat."

"No way! Ba't ka naman ganyan?" Umalma na nga si Namjoon. "'Wag mong isipin 'yan kasi sobrang mahalaga ka sa'min, Hyung. Sa puntong 'to, pamilya na tayo kaya mas lalong hindi namin naramdamang pabigat ka kahit kailan. Nami-miss ka na nga namin e... Sa tagay, sa performance, sa tuwing nag-aasaran kami, nakaka-miss 'yong mga ganti mo... Masyado lang kaming excited marinig uli 'yong boses mo, pero tamang tyaga muna ngayon. Naghihintay lang kami."

"Mm... Lusot." Ang rupok din kasi ng mathyung na 'to e. "Kung may himala sana, 'no..."

"Hahanap tayo, Hyung."

"Tss." Dapat nang maniwala ni Jin dahil 'di-maipagkakailang epektibo talaga 'yong pambobola ni Namjoon. "Umihi ka na... Ako pa magbubukas ng banyo?"

"Pwede rin." At isang maharot-harot na ngiti muna bago siya dumiretso sa banyo.

Diretso na rin kinaumagahan: Alas-syete pa lang e kumpleto na ang almusal dahil kay Hayoon na volunteer no'n bilang substitute ni Dania at 'yong kinagigiliwan nilang si Jin at Mitch. Para sa nag-iisang tagaluto lang e ang dami niyang nagawa na ang bawat plato sa mesa'y may iba't ibang laman.

We're not Happy FamilyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon