WNHF 23: Nakikinig ka ba sa akin?

56 3 0
                                    

Touch down... Brazil!

Malaki, maingay, mapanganib, pero siguradong masaya. Sunod nang pagkakaguluhan ang Big Hit family sa São Paulo kaya ilang araw rin silang mananatili ro'n para mag-rehearse, mag-perform, maglibang, at maglinaw ng mga pagkakalabuan.

Magsisimula ang eksena bandang alas-kwatro ng hapon. Bumababa na ng stage ang NERVE at Bangtan dahil tapos na nilang i-practice ang Eureka. Paulit-ulit lang atang nag-throwback kay Jin ang nangyari sa Seoul kaya gusto niya nang paghandaan ang gagawin kung sakaling malaman ng madla ang ayaw niyang ipaalam sa kanila.

"Jin-sunbaenim, unang araw ng rehearsals ngayon kaya pupunta 'ko ng simbahan pagkatapos. Kasama ko sila Hayoon-unnie, Jayoon-unnie, at Hobi-sunbaenim." wika ni Mitch na nakasunod sa kanya. "Sumama na rin kaya kayo nila Joon-sunbaenim para makahanap ka ng himala, hm?"

"Talaga?" Sa 'di-malamang dahilan e nagulat pa nang onti si Jin. "Sige! Ako na sa sasakyan!"

"SINABI KO NANG TIGILAN MO 'KO! ANO BANG GUSTO MO?! BAKIT BA ANG KULIT MO?!"

Napatigil ang dalawa sa paglalakad at nagkatinginan pa. Agad silang pumunta sa pinanggagalingan nito nang makarinig pa ng boses na sumagot ro'n sa isa.

Kilala nila pareho kung sinong nagmamay-ari ng mga 'yon.

Isa lang ang pwedeng nangyayari!

"BAKIT MO BA 'KO GINAGANITO?! MASAYA KA NA?! OO NA, NAKAGANTI KA NA SA'KIN!"

Halos mawalan ng kulay si Jimin nang masaksihan ang biglang pagwawala ni Sandra sa kanyang harapan. Hawak nito ang phone at naka-flash ang mga message na kase-send lang ni Dooly. Tinotoo na ng dalaga ang pagpatol dahil nagparamdam pa rin siya sa kanya kahit nasa abroad na sila. Naiiyak na nga ito sa galit habang naghihintay ng matinong paliwanag mula sa kanyang kausap.

Mistulang nanikip at nanilim ang kanyang mundo nang masirit na sa wakas ang gunitang hindi niya maalala. Kaya pala gano'n dahil hindi naman talaga siya ang may gawa! Kung nagkataong nag-sorry pa siya e 'di ihihingi niya ng dispensa ang iba!

"SUMAGOT KA!" bulyaw pa ni Sandra nang magpatakan ang mga luha niya. "AMININ MO NANG IKAW 'TO!"

Nangangatal na sumagot si Jimin, "H-Hindi ako 'yan! Hindi kita tine-text!"

Bago pa man makabwelta ang isa'y nagbukas na siya ng phone at pinakita ang inbox na walang laman tulad sa binibintang nito.

"Hindi ko nga alam 'yong number mo e!" Pinakita niya ang contacts na wala ring nakapangalan kay Sandra. "Kahit tingnan mo pa," Binigay niya ang phone, "Kahit tanungin mo silang lahat," Tinuro niya ang mga kagrupo nilang nakapalibot, "Kahit halungkatin mo na lahat ng gamit ko kung 'yon lang 'yong ikawawala ng galit mo! Hindi kita pipigilan kasi wala 'kong tinatago sa'yo!"

At hindi na rin nila napigilan ang pamamagitna ng katahimikan.

Dahan-dahang namayani ang hikbi ni Sandra at sa sandaling 'yon e lumantad na kay Jimin ang tunay nitong kalagayan. Sa sandaling 'yon e natagpuan niya ang eksaktong kahulugan kung bakit siya nasabihang bobo, at totoo ngang matagal niya na ring alam kung ano ang kanyang kasalanan.

Bobo siya para hindi maramdamang nakalimutan ni Sandra kung pa'no magmahal.

At kasalanan niyang hindi pa siya gumagawa ng hakbang para ipaalala 'yon sa kanya.

We're not Happy FamilyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon