"'Wag kang bumitaw sa'kin, kapit, lalarga na tayo—ugh!"
Encore stage nanaman, at para sa mga nakalimot na nagtatanong, ang Eureka ay kahalo ng temang metamorphosis patungo sa bagong yugto ng buhay. Wala nang mas mabuting makakapaglarawan do'n kung 'di mga paruparo, kaya nga, buhos na buhos ang utak ng katorse sa konsepto na tipong pati 'yong chef nila'y masyadong na-inspire at bigla-bigla na lang nakakapagluto ng mga hugis-mariposang pagkain!
"Yeah, solo!"
Isa na si Jin sa mga nahumaling no'ng kakaibang paandar kanina sa waiting room. Sari-sari ang mga inihain sa kanilang kulay at klase, pero siya'y pinakanatawag no'ng matingkad na dilaw. Mango-flavored lang naman 'yon subalit tila nakaramdam siya ng mas matinding sigla sa sistema, at 'yon nga'y kitang-kita sa kanyang pagtugtog!
"You're burning!" komento pa ni Hayoon dahil ang laki ng iginaling niya! "Go, Jin sunbae-nim!"
"Ingat ka po ah, baka pagtapos ng lalamunan, daliri naman!" Sige, ang dark ng joke ni Mitch pero pasok pa rin 'yan sa banga!
"Teka!" dagdag ni Jin, "Nick-iya, tingnan mo, may gagawin ako!"
Sabay kumalabit siya ng maangas na riff!
"OOH!" Manghang-mangha 'yong nakababatang nagturo sa kanya! "Isa ka nang guitar hero!"
"'Di ba? Matatalo na kita sa rematch!"
Samantala, 'yong mga bokalista sa harap e tamang inggit lang sa chika ng banda habang sumasayaw nang almost but not quite. Ito na ang gabing magdidikta kung epektibo ba 'yong choreography nila!
"Paglubog ng araw ng kahapon, magpapaalam sa umagang natapos~"
Sabay-sabay na napa-woah ang audience nang magpalit-palit sila ng pwesto, dahil ang formation palang binabalak nilang buoin no'ng rehearsals e korte ring paruparo!
Ngayo'y swak na ang bilis ng paggalaw ni Mitch at wala nang nakatisod kay Taehyung, "Humawak ka sa'king kamay~"
Tapos si Dania pa'y naki-duet sa kanya, "Samahan mo 'kong maglakbay~"
Papasok na si Jimin at Sandra!
"'Lika dito, bilis!"
Hay nako, manggagantso talaga 'yang si Hoseok at hindi na binago 'yong step mula no'ng um-adlib silang magka-holding hands habang umiikot!
"Ibaba mo 'ko!" Mas lalo pa ngayong binuhat niya na si Sandra! "Jimin-ah!"
Bumitaw naman siya sa baywang nito sabay pa-cute na tumawa, "Hihi!"
"Dapat, tinitisod 'yan!" Finally, pwede na siyang gantihan ni Taehyung! "Yah!"
"Sa bukas, sa bukas, sa bukas~" At sabay-sabay nilang inawit, "'Di ka na malulumbay~"
Nabura ang formation kaya malaya silang lumibot sa stage. "'Di ka na malulumbay~"
"Paglubog ng araw ng kahapon~" Sume-second voice pa si Jayoon, "Magpapaalam sa umagang natapos~"
At nang makalapit sa fiancé niyang si Hoseok e siya naman ang ni-lifting kasabay ng outro ni Jimin.
"NEW JERSEY, 'DI KA NA MALULUMBAY!"
BINABASA MO ANG
We're not Happy Family
FanfictionSa nakatakdang pag-disband ng BTS ay hinanda sila ni PD-nim na maglakbay sa buong mundo para isakatuparan ang isang joint farewell concert kasama ng NERVE na kanilang juniors. Subaybayan ang mga bida sa pagbuo ng samu't saring kwento ng katatawanan...