WNHF 42: Yu Yu Hakushookt pt. 2

60 2 0
                                    

Ano bang ibig sabihin ng magbati para kay Jimin? Kasi kung ma-engage 'yon para sa kanya, well... hindi nga nangyari ang gusto niya para kay Taehyung at Jungkook.

Ang dapat kasing proposal na nakakakilig e bigla na lang natagilid sa isang bittersweet na rejection scene with pa-reconciliation portion din agad. Mabuti nga't hindi siya pinaiyak ni tadhana—bin-ad trip lang nang mag-anomalya si Yoongi sa nagawa nitong pambabanta sa samahan nila laban sa kanyang pagpapaka-bestfriend sa mga nakababata.

Sa kabila no'y mas umaliwalas naman si Jungkook sapagkat mas nakakalapit na siya kay Taehyung pagkatapos nilang mag-usap. Waging-wagi dahil marupok din 'yong isa pagdating sa kanya kaya 'di-malabong ang magsyotang 'to e magpakasal na rin agad.

"'Wag tayo diyan! Ang dami nila!"

Ito na nga, hindi matigil sa kaka-"Mabuhay!" ang mga buhay na buhay na fans nang rumampa ang Big Hit family para sa airport meet! Bandang alas-onse ng umaga sila lumapag ng Pilipinas kaya natiyempuhang salubungin ng magigiliw na sambayanang Pilipino. Kaya bukod sa mga nakaw na bidyo at litrato habang suot ang pabonggahan nilang airport fashion, malamang e 'di na rin sila makakatakas sa balyahan, siksikan, sigawan...

At walaan!

"Mamamatay na 'ko!" Unang biktima si Fei na napatago nga dahil ang baba ng crowd tolerance.

"Noona, hindi pa!" At nadamay pa si Jungkook na basta niya lang hinablot kanina. "Hindi ka pa rin ba makahinga? Tatawag na ba 'ko ng medic?"

"'Wag." Umiling siya't tumuro sa hawak nito, "Pakuha na lang no'ng tubig ko diyan, salamat."

"Ha?" Tumingin din siya sa kanyang hawak, "Saan?"

"Diyan sa bag ko, malamang. Tsk, akin na nga, ako na kuku—"

"Teka lang!" Inangat nito ang buhat na bag, "Kay Taeh 'tong dala ko e."

Kaya nanlaki ang mga mata niya. "Ano? Jungkook-ah, hindi ko bag 'yan?"

"Opo."

"E nasa'n 'yong akin?"

"Ewan."

"No... Nawawala 'yong bag ko! Nando'n 'yong wallet at phone ko!" Tsaka niya na lang napagtantong sarili niya lang pala ang kanyang nabitbit palayo sa umpukan. "Pa'no 'ko 'yon tatawagan?!"

"Hiramin mo phone ko, Noona."

"'Di ko kabisado 'yong number ko!" madrama pang giit niya.

"Lagot na." bulong nito sa sarili habang tinatanaw ang dagsaang 'di pa rin nababawasan. "Ano po bang itsura no'n?"

"Malilito ba 'ko kung 'di kami magkapareho ni Taeh? Aish, basta, brown na leather handbag, parang ganyan nga... pero pambabae 'yong laman, syempre." Pagkatapos e walang-hiya niyang pinaghahahampas sa braso 'yong isa! "Jungkook-ah! Hindi pwedeng mawala 'yon!"

Sa kabila no'y kinuha na nito ang phone at nag-dial ng numero. "Kalma ka lang, Noona. Hahanapin natin 'yong bag mo. Sa'n mo ba huling iniwan 'yon?"

"Uhhh... Umiikot na talaga 'yong paningin ko e! Basta, inabot ko lang 'yong bag ko! Akala ko nga, ikaw 'yong kumuha kaya sinama kita!"

We're not Happy FamilyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon