WNHF 24: Unidentified fake openness

47 3 0
                                    

Kahit (medyo) burado na ang sigalot sa pagitan ni Sandra at Jimin, hindi pa rin naman doon nagtatapos ang kanilang pagsubok. Kagabi nga bago maghiwalay ang dalawa, nagkasundo ang dalawang magpalitan muna ng mga numero. Sa gano'ng paraan e mababawasan ang panggugulo ni Dooly kay Sandra habang si Jimin e magkakaro'n ng pagkakataong imbestigahan ang mga pangyayari.

Napakagandang plano no'n kaya hindi ma-gets ni Jimin kung saang parte ba tumututol si Yoongi.

E 'di umagang-umaga at nagtatalo na sila.

"Ewan ko sa'yo, Park Jimin. 'Di ka na masabihan." nakakunot ang noong wika ng nakatatanda.

"Hyung, wala ka namang sinasabi sa'kin." pamimilosopo ng nakababata. "Tsaka, makakabawi na 'ko kay Sandra-noona oh... Dito rin naman kami sa hotel nagpalitan kaya 'wag ka nang magalit diyan. Bawal ngang magalit, 'di ba?"

"Bobo, 'di ako nagagalit!"

Pero kitang-kita namang nakahalukipkip ito at nakasimangot pa. "E ano 'yan?"

Bumuntong-hininga siya't nag-relax-relax ng facial muscles. "Asang-asa kasi ako no'ng sinabi mong may naisip ka na, tapos magpapakamatay ka lang pala? Paniguradong ikaw 'yong isusunod niyan!"

"Kesa naman wala 'kong gawin kahit alam kong may magagawa ako—'di 'yon kakayanin ng konsensya ko, Hyung. Mas tanggap ko nang madadali ako—kahit papa'no, alam kong 'di siya nag-iisa."

Habang napapasabunot na si Yoongi sa sarili e nakisingit muna 'tong si Jungkook na may tinatrabaho lang sa mini studio. "Jimin-hyung kasi, 'di mo 'to napag-isipan nang maigi. 'Yon 'yong pinupunto ni Yoongi-hyung. Nag-aaway na rin 'yong ARMY at PULSE; 'di lang 'to dahil merong sumusunod sa inyo ni Sandra-noona kagabi."

"Ipapakita sana namin pagbalik mo kaso tinulugan mo na." Pero ngayo'y maibibigay na ni Namjoon ang phone para ipakita ang kopya no'ng malisyosong tweet.

Pagkatapos mapanood 'yo'y tiningnan muna sila ni Jimin isa-isa bago siya nakasagot.

"Posible bang iisa lang 'yong stalker natin at ni Sandra-noona? Pero... bakit siya madadamay do'n?"

"'Di na mahalaga 'yon. Madadamay na tayong lahat dahil sa'yo." Kinuha ni Yoongi ang phone kay Jimin, "Ang lapit na nito sa inyo oh, at kung ito man 'yong stalker natin, hindi pa siya pumapalya. Inudyok pa niyang i-boycott nila 'yong Eureka! E pa'no kung maramihan pala silang gumalaw? Kahit magpalitan kayo ni Sandra-ya ng numero, 'di pa rin kayo maliligtas no'n. 'Di ko na nga alam kung matutulungan ka pa namin."

Bumagsak na tuloy ang pagmumukha ni Jimin. "Sorry, Hyung... Inunahan ako ng awa e."

Naaawa rin naman si Yoongi, pero baka hindi lang 'yon ang maramdaman niya 'pag nalagay pa sa alanganin si Jimin.

Pinagpatuloy na lang ng nakatatanda ang diskusyon, "Nabasa mo na ba 'yong isa pang tweet kila Fei-ya? Pati si Hobal at Jayoon-ah, hinila na niya."

"Sabi ko kasi sa'yo Hyung, pinagplanuhan 'to e." wika nanaman ni Namjoon. "Pero hangga't 'di pa nila tayo nakakaharap o nahahawakan, malaki pa 'yong tsansa nating makaiwas sa kanila. Sa ngayon, na-report na namin 'yong mga reply kaya napatanggal agad kagabi, maliban lang sa #BoycottEureka kasi nag-Trending Worldwide na."

"Sige. Salamat, Joon. Nakatulong pa rin 'yan." At binalikan ni Yoongi ang nakababata. "Tara na, Jimin-ah. 'Di nga 'ko galit."

"Tumatawag na si PD-nim." pahabol pa ni Namjoon bago lumabas ng kwarto.

We're not Happy FamilyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon