OUTRO

30 0 0
                                    

O talaga ba?

"Good night, Los Angeles! Gusto ko na ring ikasal!"

Dalawang buwan na ang nakalipas pero hindi pa rin mabago-bago ang ngiwi ni Jimin sa tuwing napapanood 'yong partikular na fancam video ng kanyang mga huling sandali sa Eureka. Kung makasukot naman 'to sa sarili'y parang nagka-character development siya, pero hindi ah, dahil pinaninindigan niya pa rin ang noong pinanindigan niya.

Kaya heto't nasa France siya muli—kung sa'n siya nabaril ni Byul-nim at nabaril ni Yoongi (sa puso, figuratively). Ang kaibahan lang nito sa mga 'yon e mag-isa na siya sa taglamig, ine-enjoy ang bisperas ng Pasko nang nakaupo sa bench habang naghahalungkat ng mga alaala sa phone gallery kung hindi sinusundan ng tingin ang mga taong nagdaraan.

"E sino pa ba kung hindi ikaw? May iba ka bang irereto sa'kin?" Ngayo'y nakahanap nanaman ata siya ng isa pang sukot na video niya. "Seryoso, Hyung! Totoo! Kung ito lang naman 'yong paraan para um-oo ka e... Dali na!"

"Kung 'di ka ba naman gago... Para um-oo e buhay 'yong paglalaruan mo!" Maging si Yoongi na kasama rin sa video e nasusukot na talaga.

"Luh, mukha bang ginagago kita? Ikaw nga 'yon e!"

"Ako nanaman?"

"E ba't sinabi mong nalilito lang ako?"

"Kasi ako lang 'yong nakakasama mo nitong mga nakaraang buwan!"

"Tingnan mo?" Umiling-iling din ang galaw ng camera. "Kaya nga tinatanong ko kung pa'no ko mapapatunayang 'di ako nalilito!"

"E ba't ka nagagalit?"

"Ba't hindi?"

"Ikaw 'yong nagtanong sa'kin e! Sinabi ko nang 'hindi, ayoko', e 'di sinagot na kita!"

"'Di kaya! Sabi mo kaya, nalilito lang ako! Matagal na tayong nagpaparamdaman, Hyung! Pakiramdam ko nga, pinagdasal mong 'di sumama si Taeh para ikaw 'yong andito e!"

"Bahala ka nga! Kung 'yan 'yong gusto mong paniwalaan! Basta, ayoko!"

Hindi pa natapos do'n ang kanilang patutsadahan kaya itinalon niya nang ilang segundo ang clip papunta sa parteng iniikot ng camera 'yong lugar. Ngayo'y mas may sense na kung bakit siya naro'n, dahil 'yon pala ang parehong pwestong pinagsagutan nila.

"Kaya ko namang maghintay ah..." Tapos medyo umamo na ang boses niya. "Si Taeh at Gguk nga, hindi pa kinakasal..."

Kaya humarap ulit ang camera kay Yoongi na nakapamulsa at mukhang urat na urat na base sa diretso niyang ekspresyon.

"E pa'no kung ayoko talaga?"

"E 'di pipilitin ko hanggang gustuhin mo 'ko." Mas diretso pa pala ang isasagot niya. "Sabi ko nga, gusto kita Hyung at sigurado na 'ko do'n. Papatunayan ko lang namang 'di ako nalilito, 'di ba? Basta, ikaw pa rin naman gugustuhin ko kahit sino pang iharap mo sa'kin, kaya dali na, Hyung. Subukan mo lang."

Nakatanggap tuloy siya ng buntong-hininga.

"Si Sandra-ya 'yong crush mo, 'di ba? Ba't 'di ka magpapansin do'n?"

"Si Sandra-noona?" pag-ulit niya. "Hyung, seryoso ka ba? E wala naman akong gusto sa kanya e! Crush ko lang siya kasi magaling siyang idol at tsaka pa'no—ah! Nagseselos ka, 'no?!"

"Ulol!"

"Walaaa!" Maririnig siyang tumatawa. "Grabe naman talaga, Hyung! Kaya pala! Ikaw ah!"

"Ha-ha-ha, 'wag mo nga 'kong lokohin! Sinasamaan ka na nga ng tingin ng manager nila sa kakatitig mo e!"

"Oh, sige!" Mapagmalaki na ang kanyang tono, "Si Sandra-noona lang naman pala. Tingnan mo lang talaga, Hyung! Gusto mo, makipag-close pa 'ko sa buong angkan niya e! Basta, 'wag kang magseselos ah?"

"Basta, 'wag ka ring magalit 'pag 'di ako nagselos!"

"Oo! Mm, bawal ring mag-away ah?"

"Basta 'wag mo 'kong patulan!"

Natahimik siya. "Grabe naman 'yan. Pero... sige na nga!" Tsaka bumalik uli sa sinasabi niya. "Sige Hyung, makipag-close ka na rin sa iba o mga kaibigan ni Sandra-noona para patas tayo. Promise, 'di ako magseselos. 'Di ako magagalit. 'Di tayo mag-aaway."

"Wala 'kong pake."

"Sabihin mo lang sa'kin kung gusto mo na 'kong tumigil para 'di naman kita masaktan."

"Wala pa rin akong pake." At walang kahit na katiting na pagbabago sa mukha ni Yoongi. "Sabihin mo na lang din sa'kin kung gusto mo na 'kong tigilan."

"Asa ka!"

"E kailan natin titigilang manggago ng iba?"

Natahimik silang mga nasa video, tsaka sinabayan ni Jimin ang sinabi niya ro'ng "Pagkatapos ng concert, e 'di bumalik tayo dito."

"Dalawang buwan na lang oh, magsisimula na tayo. E 'di... dalawang buwan na lang din pagkatapos no'n." pagpapatuloy nito.

At sa gitna ng kanyang pagsesenti e biglang kumalembang ang kampana ng simbahan sa likod ng parkeng tinatambayan niya. Alas-singko na nga ng hapon; kahit tumingin pa siya sa relo niya'y hindi na aatras ang mga kamay nito.

Late na si Yoongi.

"Tangina... Pangalawang misa ko na 'yon pero 'di ko pa rin maintindihan 'yong sermon ng pari."

Tapos mula sa likuran e may dalawang malamig na kamay na lumapat sa mga pisngi niya—'yong parang walang nangyari?

"Sigurado kang dito tayo hanggang Bagong Taon?"

Isang pikit at malaking ngiti naman ang hindi mapakita ni Jimin dahil nakatalikod siya sa kanya, "Hindi, pero 'yong pupuntahan mo 'ko, siguradong-sigurado talaga."

Pakunwari pa kasing chill ang loko e gusto niya rin naman.

"Alangan." Marahang sampal ang kanyang tinugon. "Anong sabi ni Sandra-ya?"

"Mm... 'Di niya raw ako kukwentuhan hangga't nasa Manila siya." Sandaling katahimikan. "Si Nick-iya?"

Sandali ring katahimikan. "Mag-aasikaso na nga ng kasal nila Jayoon-ah... Ewan, wala naman tayo do'n e."

Tuluyan nang pumasok ang katahimikan.

"Tara na." Ay, hindi pa pala. "Nilalamig na 'ko."

Ayan na talaga, tahimik na.

"Magno-Noche Buena na mamaya ah."

"Ano naman?"

"Sa'n tayo kakain, Babe?"

End of Book 1

We're not Happy FamilyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon