WNHF 28: Kung hindi rin lang ikaw

57 3 0
                                    

Posible pa kayang bumalik sa normal ang lahat? Maaari pa ba silang gumising sa paniniwalang magiging maayos ang mga bagay sa madaling panahon? Hindi nga nila nahuli si Dooly e—naabutan nila si Sejin-nim sa hotel, naabutan nila si Byul-nim sa hotel, at muntik pang maaksidente si Jungkook, pero parang nasagasaan pa rin ang kanilang mga pinanghahawaka't nagkabali-balinsay na ang sanlibutan.

Speaking of Jungkook, iisipin niya pa sanang panaginip lang ang nangyari kagabi pero pinaalalahanan siya ng roommate niyang si Taehyung pati na ng namumugto niyang mga mata na bigo siyang mahabol si Dooly kahit sobrang lapit na nito.

"Yoongi-hyung." nakapikit niyang sambit ngayon habang kinakatok ang kwarto no'ng nakatatanda. Nagbukas pa siya ng phone para siguraduhing tanghali na't may gising sa loob, kasi kanina pa siyang nakatayo ro'n at mukhang walang may gustong magpapasok sa kanya. 'Di naman siya pwedeng tumanggap ng hindi dahil kailangan niyang mag-produce at tumatakbo ang oras.

E teleseryeng-teleserye pa si Yoongi na nakatayo lang sa pinto at nakasapo sa kanyang sintindo. Katatapos lang niyang makipagsumbatan kay Jimin na pinatigil niya agad magbihis nang mabanggit nitong pupunta nanaman siya kila Sandra.

"Buksan mo na." ani nitong nakababatang nakatulala sa bintanang may kurtina at 'di maipinta ang ekspresyon.

Halos masamid siya sa sariling laway nang kumibo ito pero agad niya ring binuksan ang pinto para sa isa pang nakababatang nag-aabang.

"Magandang tanghali po." mahinang bati ni Jungkook at payukod na pumasok.

Pag-angat ng ulo niya'y pinalibutan siya ng katahimikang tila pamilyar sa kanya.

'Di sila nagpapansinan? Tumikhim siya't pinasadahan ng tingin ang dalawa. "Hyu—"

"Aalis na 'ko."

Wala nang karugtong pa'y nagsuot ng shirt si Jimin, lumapit sa upuan ni Jungkook, kinuha ang nakasabit ro'ng jacket tsaka lumampas kay Yoongi at binagsak ang pinto.

"Tangina." pabuntong-hiningang bulong ni Yoongi at sumalampak sa kama. "Jacket ko 'yon."

"Hyung, dahil ba sa'kin 'yon kagabi?" tanong agad ni Jungkook, "Ayos naman na 'ko; 'wag niyo na masyadong damdamin. Pinoproblema pa natin si Dooly kaya ayoko nang dumagdag."

"Hindi naman 'yon." Pangalawang buntong-hininga na. "Ayaw na nga tayong pagalawin ni Byul-nim—nadala pa niya si Joon, Fei-ya, at Sejin-nim. Ang sinasabi ko, pwede namang patago na lang munang gawin 'to, pero ano? 'Yon! Pumunta pa rin! Kating-kati kasing may patunayan e."

Tumawa siya nang mahina at sinabing, "Kung 'di kasi pumalpak 'yong plano mo kahapon Hyung, 'di rin naman tayo magkakaganito." Sabay suot ng headphones para sa paparating nitong tugon.

"Alam ko!" May kasama pa 'yong paghampas sa kama. "Kaya mas lalong nakakainis!"

"Inaayos niya nga 'to para sa'yo kaya 'wag ka nang mainis." Umiling-iling pa siya tsaka umupo sa tapat ng mini studio, "Napagbigyan ka na; ngayon, hayaan mo muna siya. Gano'n lang, Hyung. Bigayan lang. Tiwala lang."

Dito naman sa kwarto nila Sandra: Bukod ro'n sa dalaga, si Nick ang inaasahan ni Jimin sumalubong sa kanya, ngunit akalain niya nga naman at ang bubungad e si Byul-nim na inawangan lang nang onti ang pinto para siya ang lumabas at magpaka-spokesperson sa mga taong nasa loob.

We're not Happy FamilyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon