WNHF 15: Mga galamay ng kahapon

86 3 0
                                    

Bilang ang unang natulog at nang-indyan sa kanila, maagang nagising si Jungkook—bandang alas-dos ng nagmamadaling-umaga para sana magkape. Subalit, bago niya gawin e napahugot muna siya ng phone para litratuhan 'yong mga wasted na nakatatandang nagkalat sa baba.

Ngayong umaga na at biyaheng studio muli sila, napakinabangan niya rin ang sarili sa pagiging driver dahil—obvious naman—siya pa lang ang may buong-buong wisyo sa kanilang lahat. Ang kanyang mga tahimik na kasama sa SUV 1 e tamang salpak lang ng headphones sabay tulala sa bintana kung hindi umidlip o humigop ng inumin kahit inuuga sila sa daan.

E pa'no 'yong mga nasa SUV 2?

Medyo may kabagalan lang pero bumabalik na rin ang otsenta porsyentong lakas ni Nick kaya siya ang itinakdang maghawak ng pangalawang manibela. Hindi rin nalalayo ang kanilang sitwasyon sa SUV 1, at sa katunayan nga'y si Sandra at Jimin lang sa backseat ang tanging gising bukod sa kanya. Parehong abala sa phone ang mga 'to na tila iisa lang ang kanilang ginagawa.

Dooly:
"Sandra ya may bf ka na ba?"
"Bat di mo ko kinakausap?"
"Pinagbabawalan ka ba nya"
"Gusto mo paghiwalayin ko na kayo?"
"Ako na lang ipalit mo di kita sasaktan"
"Isang picture lang please oh"
"Kasama mo ba sya??"
"Gusto ko makita kung ayos ka lang"
"Nag aalala ko sayo miss na kita"
"Di ka nagrereply sa kahit isang text ko please"

Dapat talagang tantanan na ang mga papansing gaya ni Dooly, ngunit alam ni Sandra na makakahanap lang ito ng ibang paraang maaaring mas malala pa sa pag-text. Siya nga ang dahilan kaya hindi niya bin-lock ang numero kahit walang humpay na ito mula no'ng unang araw niyang nanggulo. Higit sa lahat, hindi pa rin nawawala sa mga posibleng suspek si Jimin lalo na't lagi itong nakatutok sa phone tuwing sila ang magkasama.

Sandra:
"Hindi ka talaga titigil?"
"Tatawag ako ng pulis"

Dooly:
"Haha salamat naman!"
"Buo na araw ko kasi ligtas ka"
"Tsaka di ako titigil nanliligaw nga ko e haha"
"Alam ko din nman di mo ko ipapapulis kasi love mo ko"
"Love you too baby"

Sandra:
"Seryoso ako"

Dooly:
"Seryoso din ako"
"Sayo"
"Yiee"

Nakabusangot na tiningnan ni Sandra ang katabi niya.

"Yes, let's go!" biglang sabi ni Nick na minamaniobra na pala ang sasakyan sa parking lot.

Hindi na nagawang mangompronta ni Sandra dahil agad na silang umakyat ng building. Naroon ngang naabutan nilang nakatayo sa rehearsal room ang nag-aabang na pigura ni Bang Sihyuk at Son Sungdeuk—reality show vibes.

Weyt, parang deja vu?

Tahimik na nagsihilera ang lahat sa harap ng seryosong ekspresyon ni PD-nim. Sa kabila no'y masigla pa rin silang yumukod at bumati na parang walang mali sa paligid.

Unang nagsalita si Namjoon, "Kanina pa po ba kayong andito?"

Sinuklian siya ni PD-nim ng seryosong tingin.

"Hindi naman, Namjoon-ssi. Kararating lang namin. Kumusta ba kayo?"

Hindi kasama 'yan. Sinadya niya lang talagang baliin muna nang onti ang paksa dahil mukhang naiipit na ang magkapatid na lungs ni Hayoon at Jayoon.

We're not Happy FamilyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon