WNHF 63: I~ 'Wag naman~

23 0 0
                                    

Sigurado na sa no animals, but definitely, some hearts were hurt.

Kaya siguro isang beses lang sumuntok si Yoongi kay Jimin—magkakampi sila ng tadhana at nakatoka ro'n ang asawa ng suntok na tatama sa puso niya. Ang sakit nito sa kanya at isang malaking tukso para sa bida-bida niyang konsensyang mag-extend pa ng special appearance sa medyo-melodramang storya ng buhay ni Sandra.

E may nadagdag na bagong episode e.

At usapang episode na nga, isang napakasenting airport meet ang naganap nang magkasundo ang Big Hit family na mag-black and white party paalis ng New Jersey. Hindi alam ng mga fans kung bakit biglang nagkatema ang mga suot nila; kagaya ng mga reaksyon nila'y nakakatuwa sana kung tutuosin kaso ang dahilan e masyado namang malayo para pagkatuwaan.

Kung walang kasamang tulog, technically e ilang oras pa lang ang nagdaan pagkatapos nilang marinig ang balitang wala na ang Daddy ni Sandra. Lahat ay nagpadala ng kanilang pakikiramay pero maiba na 'tong dalaga dahil ayaw niya munang pagtuonan ng atensyon ang bagay na siguradong magpapaiyak sa kanya.

"Akala ko ako lang." labas-sa-asul na turan ni Nick. "Ikaw rin pala, Jimin-nim."

"Hm?" Sayang 'yong entrada e hindi naman nito narinig. "Ano kamo, Nick-iya?"

"Sabi ko po, akala ko ako lang; ikaw rin pala, Jimin-nim."

"Ang alin?"

"Andito."

Malamang e ando'n talaga siya sa airport meet, ngunit ang tinutukoy ni Nick e 'yong pwesto nilang dalawa—napapagitnaan ng NERVE sa unahan at Bangtan sa likuran.

"Ah." tugon din ni Jimin nang lumingon-lingon siya, "Gusto ko lang mauna kila Jin-hyung... Sige, balik na lang ako do'n."

"Kung gusto ka pa niyang pabalikin. Gusto niya ba?"

Pakiramdam niya'y nahila no'n ang buong kaluluwa niya kaya napahakbang siya palapit nang may mapangsuspetsang tingin.

"Binibiro lang kita, Jimin-nim! Mas malungkot ka pa kasi tingnan kesa kay Sandra-unnie e." Ngumuso siya sa direksyon no'ng dalagang malakas pa mangunang maglakad sa grupo ng NERVE.

"Hindi ba 'ko dapat magmukhang ganito?" matamlay niyang sagot nang nakatingin din sa direksyong 'yon.

"Ayos lang po 'yan. May karapatan kang malungkot at normal lang maging malungkot." Sabay sabing, "Tsaka kung gano'n talaga kaespesyal 'yong tao sa'yo e... 'Di ba?"

Sobrang sakto nanaman no'ng patama nitong nakababata kaya hindi na mawari ni Jimin kung maiinis ba siya o matutuwa. Ay, pareho lang pala, dahil una, naiinis siya sa kadahilanang malungkot si Sandra, at kahit siya pa ang naging daan para humantong sa ganito e wala siyang magawa para mabawasan 'yon. Pangalawa, natutuwa siya kasi iniisip niya na palang espesyal si Sandra sa buhay niya. Mahirap lang talagang ipaliwanag sa salitang hindi siya magmumukhang umaamin o in-denial.

E 'di tinapik siya ni Nick sa likod, "Alam na po nating mangyayari 'yon e, sadyang... 'Yon, nangyari na."

"Alam ko." Tumango-tango ito at napayuko. "Hindi lang siguro patas na mas napaghandaan natin 'yon kesa sa kanya."

"'Yon nga po..." Tumango-tango na rin siya't napayuko. "Hindi ko na nga alam kung anong ihaharap sa kanya."

Mas higit pa pala ang kahulugan ng pagtatagpo nilang dalawa kesa sa pagiging team gitna; dapat ay team nagluluksa at nagsisisi sa mga ginawa nilang para sa mabuti naman ang intensyon pero bakit meron pa ring nasasaktan na lang ang binansag sa kanila.

We're not Happy FamilyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon