"Will you marry me?"
Tumigil ata ang oras sa sandaling nabakas ng gulat ang lahat. Mukhang ayaw pa nga nilang mahimasmasan kung 'di lang umalingawngaw sa buong arena ang ugong ng mga pinapatay na ilaw.
"Singsing 'yon?" Napatingkayad si Jin dahil wala siyang gaanong maaninag sa malamlam na liwanag, "May singsing?!"
"Kaya nga will you marry me Hyung e! Bingi lang?!" makapilosopong sagot naman ni Hoseok.
"At bakit ulit?! Kailan 'yong una?!"
"Hyung, 'di ko rin alam! Wala naman atang may alam!"
Sagad hanggang large intestines siguro 'yong singhap ni Jimin sa sobrang lalim, "Inamin na nila, Hyung—" Napatakip din siya ng bibig pagkatapos. "May kinalaman ka rin do'n!"
"Oh my god!" nakangangang sabi ni Hayoon nang sumulyap sa mga kasama niya ro'n.
"My god talaga, Unnie!" agaw ng gulat ring si Jayoon, "Jungkook-ah is getting married!"
"NOOO!" sigaw ni Nick dulot ng magkahalong dismaya (dahil talo nanaman sa pustahan) at nag-uumapaw na saya (dahil magpapakasal na sila). "SAGUTIN MO NA 'YAN, KIM TAEHYUNG-NIM!"
"Oh—" Unti-unti na ring natatauhan si Jimin kaya nakisigaw siya, "OO NGAAA! TAEH, SAGUTIN MO NAAA! UM-OO KA NAAA! PANGALAWA NA 'YAN, 'WAG KA NANG UMARTE PAAA!"
Ngunit sa kabila ng kanilang mga pagganyak, ang sitwasyon ng dalawa sa naiilawan-pang entablado e parang biglang bumalik sa malayong nakaraan pero may kaibahan lang nang onti sa lugar at nadagdagan ng mga saksi.
"Jungkook-ah..."
Maging si Taehyung mismo e bilugan ang mga mata na parang 'di niya kamay 'yong hinihingi.
"Ang tagal na natin, Taeh. Sobrang saya ko nga kasi binilang mo pa rin 'yong taong 'di tayo magkasamang nag-anniversary." Nakapatay na rin 'yong mic no'n kaya tanging siya na lang ang nakakarinig ng pagpapatuloy ni Jungkook na nakaluhod pa rin. "Kahit ako; 'di ka rin naman nawala sa'kin kahit tinotoo natin 'yong sagot mong ''wag na lang tayong magpansinan kung ayaw mo ng lantaran' no'ng huling tinanong kita nito e.
"Sa totoo nga, no'ng magkalayo tayo, mas naisip ko lang kung ga'no ka kahalaga kesa sa magiging tingin ng iba. Mas naging malalim 'yong rason ko kung ba't gusto kitang makasama... Kasi, kahit pakawalan kita, hindi naman nila mapupunan 'yong kulang sa puso ko kagaya sa pa'no 'ko nakukumpleto 'pag nandyan ka. Kaya nga—"
"Jungkook-ah..." Kaiiyak lang ni Taehyung pero dahan-dahan nanamang nagbuhusan ang luha nito nang humawak siya sa magkabilang braso niya.
"T-Taeh, teka..." Ang pagkakahawak na 'yo'y nagsimulang magbigay ng pataas na pwersa at tila bang gusto na siyang patayuin uli kahit 'di pa siya natatapos. "Hayaan mo muna 'ko—"
Tunay ngang inuudyok nitong tumayo na siya, "Jungkook-ah, please lang, please..."
"Taeh..." Kahit lumalakas na ang pagkakahila'y nanatili siyang nakaluhod. "Bakit?"
Mistulang nakikiusap pa ang mga hikbi nitong 'di pa rin nagbabago ng daloy, "Jungkook-ah, please..."
"Yoongi-ya, nakikita mo ba nang maayos diyan? Anong nangyayari sa kanila?" Ang mga taganood sa baba'y naguluhan din bigla dahil mukhang tumatagilid ang kanilang eksenahan.
BINABASA MO ANG
We're not Happy Family
FanfictionSa nakatakdang pag-disband ng BTS ay hinanda sila ni PD-nim na maglakbay sa buong mundo para isakatuparan ang isang joint farewell concert kasama ng NERVE na kanilang juniors. Subaybayan ang mga bida sa pagbuo ng samu't saring kwento ng katatawanan...