WNHF 64: Nenengmyeon squad

18 0 0
                                    

Dalawang araw ang makalipas, sa Los Angeles, hapon.

Permanente nang mag-iiba ang ihip ng hangin para sa mga bida—bukod pa kay Sandra dahil sa pagkawala ng kanyang tatay.

"Paglubog ng~ Kahapon~ Umagang natapos~"

Sunod nga sa listahan e itong si Jin.

"Sa bukas, sa bukas, sa bukas~"

"'Di ka na malulumbay!"

Ay, hindi kasama si Jimin—sapaw 'yan.

Kasunod no'n ay nabura na ang formation nila't nagsitipon sila sa gitna ng entablado para batiin ang mathyung!

"Ang galing mo, Jin-sunbaenim!" bati ni Mitch nang tumapik sa kanyang balikat.

"HYUNG!" may paarteng hagulgol pang dagdag ni Hoseok pagkayakap niya, "NAKAKAKANTA KA NA TALAGA ULIT!"

Pabiro siyang binatukan ni Jin, "Siraulo, nakakakanta naman talaga 'ko!"

"But Jin-oppa, 'yong totoong kanta na!" tugon din ni Jayoon. "You'll be killing notes in no time!"

Sa ganda ng mga papuri nila'y unti-unti nang hindi naniniwala si Jin; para naman kasing siya ang lead vocalist e nabawi niya lang naman ang pagiging second voice na may kasama pa ring backing. Gayunpaman, masaya siya dahil baka makakanta na siya sa harap ng ARMY at iba pang fans na asado na!

"Wrap-up na, bilis!" Pumalakpak pang parang striktong instructor si Hoseok kahit halata namang nagsisilakad na sila papuntang backstage.

"Nakakahiya naman sa kanila." Sabay tumuro si Namjoon sa stage crew na nasa kalagitnaan pa rin ng pagtatrabaho.

Pagdating kasi nila no'ng tanghali, naro'n na ang staff kasama ng patong-patong na mga props na kinakabit nila sa buong venue. May halos isang linggo pa bago ang concert, at sa gano'n kaagap na paghahanda ay masasabing sobrang laki ng production. Huling parte na ito kaya dapat lang asahang may pasabog sa ending!

"Sabi ko nga. Sorry naman." Kaya binawi na ni Hoseok ang pahayag niyang hindi nalinaw ang limitasyon, "Wrap up na, Bangtan at NERVE!"

"May gusto ba kayong kainin?" pa-entradang tanong naman ni Jin. "Parang feel ko magluto e."

"Sabaw lang Hyung, sapat na." maagap na sagot ni Namjoon.

"Ikaw, Mitch-iya?" Ang ganda pa ng ngiti niya kasi kahit ano namang piliin nito e tutulong pa rin siya sa pagluluto. "Mitch-iya?"

Ta's bastusan lang kasi hindi pala nakasunod si Mitch sa kanila.

"Mas okay ba 'to?"

"Ang ganda niyan, Unnie. 'Yan na lang." Ito siya at nasa gitna ng stage, nakatayo kasama ni Hayoon na hindi magalaw-galaw sa phone. Hindi na kasi makapaghintay ang isang 'to at doon na nag-online shopping.

"Done. Itong bag na 'yong ipapagawa ko sa designer." Este, online manufacturing pala dahil siya pa ang nangangasiwa ng pagkakagawa't disenyo ng produkto. "Here, choose another one."

"Unnie, para kay Jayoon-unnie na lang. Malayo pa 'yong birthday ko."

"Sino nagsabing sa'yo 'to?" Arte naman nitong gano'n, "It's for me."

We're not Happy FamilyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon