WNHF 57: Orayt banbokdwin seesaw game

21 0 0
                                    

Parang kahapon lang e nasa airport sila, ta's ngayon e nasa airport nanaman.

Mistulang isang malaking panaginip ang lahat noong mga nakaraang araw, dahil kung anong mukhaan nila pagdating e gano'n din ngayong paalis na sila. Mistula lang naman dahil hindi may mga desisyon ding halos nakasira ng kanilang relasyong mabuting naisipan nilang ayusin para maiwan na ang mga hindi-nakakatuwa sa Singapore.

"Bye, big fountain." Maaga silang umalis ngayon kaya hindi gaanong siksikan ang mga tao't nagagawa ni Fei na sumama sa kanyang mga tropapits. "See you never."

"Ang drama." komento naman ni Dania sa kasama niyang 'di-maalis-alis ang tingin sa indoor waterfalls.

"Mas madrama ka; dinala mo pa si Jungkook-ah sa beach." Ngumisi siya habang nakaturo, "Ta's ito, may pa-'kasi ako gusto ko, para sa'yo' pa. Tsk."

Napatingin na lang si Hoseok na hindi naman intensyong mapatagal ng pananatili sa kompanya nilang dalawa.

"Ano pa bang ipapadagdag mo?" tanong pa ni Fei. "I'm not planning to wait for 20 hours, you know."

"Chill! Iniisip ko na nga e... pero mukhang ayos naman na kahit idiretso ko na lang." sagot nito.

Umabante na si Dania, "E Hobi-ya, sigurado ka na talaga kay Jayoon-ah, ah?"

"Oo..." Tumango pa siya for more effect. "Last na rin 'to sa plano namin ni Fei-ya, e 'kala ko nga 'di na matutuloy."

"Ah... Mabuti nang malinaw." Lumapit siya nang konti at mahinang tumugon, "Baka kasi umasa pa 'tong kasama ko dito, so..."

Tumango siya pataas, "Ah..."

"Tsaka, palapit na siya oh." dagdag pa ni Fei na akala nila'y 'di nakikinig.

Oo nga, palapit si Jayoon... na parang ambibigat naman ng mga hakbang at 'di maipinta ang mukha.

"Hi," mabilis nitong sabi bago panlisikan si Hoseok, "I believe this is yours."

Sabay tapon ng kung ano sa kanya at nag-walk out na.

Pagkasalo ni Hoseok e nakita niya 'yong 100 dollars na pinag-agawan nila sa hawker centre.

Pinigil siya ni Fei sa braso, "Ako na." Tsaka humabol do'n sa nakababata.

"Patay na." Ang swerte naman ni Dania at may front-row tickets siya sa kadramahang ito!

"Hey," Hindi na kailangan pang lumingon ni Jayoon kasi alam niyang mangyayari 'yon, "Jayoon-ah, talk to me." E kahit na, wala pa ring makakapigil kay Leader-unnie para matawag ang kanyang buong atensyon. "We're in public, sunbaenim mo 'yon; hindi mo siya pwedeng bastusin nang gano'n-gano'n lang!"

"Pero ako, pwede?" mariing wika naman ng nakababata.

"Ano?"

"Stop. I just want you to stop!" biglang singasing pa nito. "'Wag mo 'kong gawing tanga, Unnie! I'm not having it and no one's having it anymore! You really think I feel nothing? Akala mo ba, hindi kita napapansin? Is this some kind of a plan to get back to Hobi-oppa, hm?"

Hindi rin siya makapaniwala sa biglaang pagka-hot seat sa kanya. "Jayoon-ah, hindi ko gusto 'yang punto ng sinasabi mo ah."

We're not Happy FamilyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon