WNHF 43: Father-in-law at father-fatheran pt. 2

39 2 0
                                    

Mabibigat ang mga hakbang at pindot sa phone ni Fei habang palapit nang palapit sa Room 2844. Sa katotohana'y 2824 ang nakasulat sa susi niya pero mukhang nagmememang-lakad nanaman siya.

Matapos ang isang maritmong katok e pinagbuksan siya ni Nick na nanlalaki pa rin ang mga mata sa gulat. Pagkaawang ng pinto e bumungad na rin ang ibang miyembro ng NERVE na kanina pang nagpupulong.

Mabilis siyang pumasok at initsa ang bag sa bakanteng kama ro'n. Sunod e tumindig siya sa harap ng limang nakaupo, nagpamaywang, at pinasadahan ng tingin ang bawat isa sa kanila bago bumalik kay Nick na tapos nang magsara.

Panimula niya, "May nakita ak—"

"May hindi ka nakita!" agaw ni Nick. "Lider-nim, pramis, hindi ka talaga maniniwala sa nakita namin!"

"Ha? Ako muna! Mas hindi ka maniniwala sa nakita ko!"

"Hindi, Lider-nim! Totoo, mas hindi-kapani-paniwala 'yong amin!"

"Gaga, pinakahindi-kapani-paniwala 'yong akin!"

"E hindi lang namin nakita—narinig pa namin—malakas na malakas!"

"Ako nga, nahawakan ko pa e—mahigpit na mahigpit!"

Umawat na si Dania, "Tama na nga 'yang maang-maangan! Pag-untugin ko kayo e!"

Kaya sabay na humarap sa kanya ang dalawa, "Si Jodgie!"

At nagharapan ang leader-nim at maknae, "Nakita mo rin?! Oo, NLidcerknim! Sa airport!"

"Tsk!" Dumuro si Dania sa noo nilang dalawa, "Kumalma nga kayo! Hindi na tayo magkakaintindihan 'pag sabay pa rin kayong magkukwento!"

"E 'di ako muna para makahabol ka, Lider-nim!" pagboboluntaryo ni Nick nang nakataas ang kamay. "Kasi gan'to, 'di ba... airport meet?"

Magkasalubong ang mga kilay niyang naupo sa paanan ng kama.

"Tapos, bigla na lang sumulpot si Jodgie sa mga fans ta's sigaw siya nang sigaw: 'Dania, 'yong anak natin! Gusto kong makita 'yong anak natin, please! Kausapin mo 'ko!' Grabe Lider-nim, buti na lang kasi naharangan siya no'ng mga bodyguard ta's nasa tabi ko si Unnie kaya nakalayo kami agad! Buti nga, wala ka do'n no'ng nangyari 'yon!"

"Anong mabuti do'n? E nakabunggo ko nga 'yon ta's hinabol pa 'ko!" Humalukipkip siya't mabigat na bumuntong-hininga, "Nakita pa siya ni Jungkook-ah! Buti na lang, hindi niya naabutan no'ng banggitin ni Jodgie si Unnie!"

"Of all the places, bakit kasi sa Manila pa?" tanong ni Hayoon.

"Unnie, nagbabarko kasi siya, 'di ba? It might have just happened na dito siya nagbabakasyon." sagot ni Jayoon.

"Tsaka gusto niya palang makita 'yong anak niya—dapat matuwa kayo." dagdag ni Sandra.

"No. Hocus-pocus lang 'yon." Tumayo nanaman si Fei sa harap nila't nagpamaywang, "Gusto niya raw makita 'yong anak niya? Sinong tinatarantado niya? Tayo lang 'yong nagpalaki kay Hyeonie at hindi siya kasama sa tayong 'yon kasi matagal na siyang tumalikod sa responsibilidad niya. Maayos naman na lahat e—kulang na nga lang, sabihin ko sa batang patay na siya."

Komento tuloy ni Mitch, "Sobra ka naman, Fei-unnie! Hindi ba natin siya pwedeng pakinggan? Baka ngayon lang din siya nagkaro'n ng pagkakataong lumapit sa'tin kasi magdi-disband na tayo."

We're not Happy FamilyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon