AFTER a week of investigation, nag-positive sa drug test yung dalawang lalaki na muntik na gumawa ng kahalayan sa akin, they got expelled at sa kagustuhan na rin ni DJ my name wasn’t dragged in the scandal.
Nagawa nilang pagtakpan ang pangalan ko the whole investigation, nagulat na lang ang buong university when the two guy was expelled. Their parents even plead us to drop the case dahil gusto ni Mommy na ituloy ang kaso na attempted rape, pero ako na rin ang nag-decide na huwag ng ituloy. Ayoko ng gulo at katulad na rin ng sabi ni DJ ayoko ng madawit pa sa mas malaking eskandalo, kapag itinuloy ni Mommy ang kaso ay lalabas ang totoo. Makukulong pa rin naman sila because of drug used and drug pushing since hindi na rin sila minor, kumuha na rin si Mommy ng restraining order para sa akin at hindi nila ako malapitan but more on para sa ikakapanatag ng isip niya.
“Gosh! Kathryn I can’t believe na itinago mo sa amin yung totoong nangyari!” hindi pa rin makapaniwala na sabi ni Julia. Ngayon lang nila nalaman ni Miles pagkatapos ng imbestigasyon. Nandito kami ngayon sa bench table kung saan kami madalas magpalipas ng oras.
“Sorry kung hindi ko sinabi, ayoko lang kasi ng paulit-ulit kong inaalala.”
They both hug me, “Nakakalungkot lang na hindi ka man lang namin nabigyan ng moral support.” Sabi ni Miles.
“Ano ba kayo, ayos lang yun. Alam ko naman na nandyan lang kayo palagi para sa akin.”
“You must be so scared that time.” Naluluhang sabi ni Julia.
“Huwag niyo na lang isipin please, ayoko na rin kasi alalahanin.”
They both sigh.
“Alright! Erase na natin, huwag ng pagusapan!” malakas na sabi ni Julia.
“Thank you!” I wrapped both my arms around their shoulder.
“Kath-Kath!!!”
“Ooomph!” napabuga ako ng hangin ng biglang may bumuhat sa akin mula sa pagkakaupo at i-sandwich ako sa dalawang mahigpit na yakap.
“Tangina! Nasaan yung dalawang hayop na yun?”
“At papatayin namin kung hindi nagawa ni J.”
Magkasunod na sabi ni Marc at Albert habang mahigpit pa ring nakayakap sa akin.
“S-sandali hindi na ako makahinga.” Tumingin ako kay DJ ng nagmamakaawa na tumatawa lang habang papalapit sa amin pero nagkunot din agad ng noo ng makita ang kalagayan ko.
“Tsk kasasabi ko lang na ako lang pwede humawak kay Kath.” Hinila niya ako mula sa pagkaka-sandwich sa dalawang malaking lalaki na sina Marc at Albert.
“Ehem!” narinig ko pagpekeng ubo ni Julia at Miles.
“Bukod kay Miles at Julia syempre, at kay Tita Angel—ah basta! Bawal ibang lalaki.”
“Ang possessive mo naman!” reklamo ni Marc.
“Oo nga! Boyfriend ka ba?” dagdag ni Albert.
Tiningnan sila ni DJ ng masama.
“Kasi naman Marc huwag ka ng mangialam.” Biglang baling ni Albert.
Napailing na lang ako habang natatawa sa kakulitan nila nang maramdaman ko ang paglapit ni Jared sa akin, napangiti ako ng marahan niya akong yakapin unlike kanina kay Marc at Albert na halos hindi ako makahinga.
“Pasalamat sila wala kami nung time na yun kasama si J kasi kung nagkataon hindi mo na kami mapipigilan na hindi mapatay yung mga gagong yun.” Bulong niya sabay halik sa tuktok ng ulo ko.
“Tangina naman oh! Kasasabi ko lang na bawal hawakan may kasama pang halik!” hinila ako ni DJ mula kay Jared. Pinagpag pa ni DJ yung braso, at damit ko na para bang may inaalis na kung anong dumi roon.
![](https://img.wattpad.com/cover/29600317-288-k541763.jpg)
BINABASA MO ANG
Four Letter Word
FanfictionL-O-V-E series #1 two people, one story to tell and a four letter word.