"PWEDE daan muna tayo kay Daddy?" Sabi ko kay DJ while he was driving, papunta kami ngayon kay Kuya Ace. I wanted to visit him dahil hindi ko siya nabisita ng isang linggo because of our exam, regular ko kasi siya nabibisita pagkatapos ako dalhin sa kanya ni DJ at hindi ko rin siya nabisita ng birthday ko so I wanted to make it up to him.
"Pwede naman pero bakit?" DJ made a turn sa daan ng papunta sa office ni Daddy.
"May gusto ako ipaalam sa kanya in person kasama ka."
"Bal kahit naman walang approval nila papayag ako."
"Huh?" Nilingon ko siya na puno ng pagtataka. "Payag saan?"
"Sige na payag na ako, papakasalan na kita." He said with a serious face and his eyes fixed on the road.
Napabuga na lang ako ng hangin, lakas talaga ng topak nito. "Kulang ka pa yata sa kape, uminom ka muna." Kinuha ko mula sa cup holder ang cup ng starbucks coffee at inilapit sa bibig niya.
"Aah! Mainit!" Gumewang ng bahagya ang sasakyan na mabilis rin naman niya na-control.
"Oh my gosh! I'm sorry." Ibinalik ko ang kape sa cup colder at hinawakan ko ang labi niya na napaso ng mainit na kape, I rubbed it gently to ease the pain. "Masakit pa?"
Instead if answering he stick his tongue out and lick my finger.
"Eeew! DJ!" I withdrew my hand.
Tinawanan niya lang ako, "Maka-eew naman kala mo hindi nasasarapan sa laway ko."
Pinitik ko ang bibig niya, "Shut it! Kadiri naman talaga dinilaan mo ako." Naglabas ako ng wet tissue mula sa bag at pinunasan ang daliri ko.
"Kanina mo pa puntirya labi ko ah kapag ako hindi mo na-kiss..."
"Ako pa talaga tinakot mo?"
"Di ba nga sabi mo you like my kisses?"
"Pero sabi mo rin addicted ka sa akin." Ganti ko.
Ngumisi siya, "Hindi ko naman itatanggi iyon."
Napangiti ako ng may maisip akong idea. "Let's make a bet."
Nagpark na siya sa parking ng building kung nasaan ang office ni Daddy. "Bet?"
Tumango ako ng nangingiti pa rin, "Uh-huh."
Inalis niya ang pagkakasuot sa seatbelt para maharap ako. "Hindi ko alam kung magugustuhan ko ba yan sa klase ng ngiti mo."
Nagkibit bakikat ako. "It depends?"
"Alright, anong bet ba yan?"
"Hindi mo ako pwede i-kiss sa lips ng two weeks."
Bigla siyang nagseryoso, as in poker face. "Hindi yan pustahan Kath, parusa!"
Napalabi ako, "Gusto ko lang naman makita how long you can resist."
"And if I win?"
"Uuh-I will grant your wish, I'll do anything you want."
Unti-unti siyang napangisi, yung klase ng ngiti na alam ko na may kakaibang tumatakbo sa isip niya. "Anything?"
Oh-oh Parang mali yung term ko na anything you want, sa ngiti pa lang niya nakakakilabot na. "Ah except-"
"Wala ng bawian, nasabi mo na eh."
Napakagat labi ako, mukhang mapapasama pa yata ako ah, but this is DJ we're talking about hindi naman siguro ako mapapahamak sa kanya-err well it depends on your definition of pahamak I guess? "Alright! Sabihin mo muna kung ano ba gagawin ko?"
BINABASA MO ANG
Four Letter Word
FanfictionL-O-V-E series #1 two people, one story to tell and a four letter word.