Chapter 43

21.3K 393 28
                                    

"SERYOSO talaga sila no?" Sabi ko kina Julia at Miles habang kinakagat ang straw ng inumin ko.

Tumango naman si Julia, "Hindi rin ako makapaniwala pero totoo nga."

Nakaupo kami ngayon sa isang table sa sulok at nakasaunod ng tingin kina DJ, Red, Albert and Marc na paikot-ikot sa restaurant ng Mommy ni Albert at kumukuha ng order sa bawat table na naka-assign sa kanila.

They all look cute in their uniform, white dress shirt and bow tie, pero syempre pinaka-cute si DJ ko, cute na waiter.

At sa bawat daan nila ni Red sa table namin tatlo ay humihinto sila, si Red hahalik kay Julia although sa pisngi or noo lang habang si DJ naman nakikiamoy sa buhok ko dahil start na ng deal namin bawal na niya ako i-kiss.

"Ano ba naisipan ng tatlong na itlog na yan at biglang gusto magpart time? Understood na si Albert dahil talaga naman na nagwo-work siya rito." Tanong ni Miles.

"Nagselos si DJ." I giggle.

"Selos?"

"Sabi ko kasi ang responsible ni Robert ng malaman ko na nagpa-part time siya while studying, at sinabihan ko rin na bagay kay Albert uniform ng waiter."

"Robert? Yung nakapartner mo magsayaw nung foundation?"

Tumango ako, "Ang cute ni DJ ko no? Ang cute magselos."

"Possessive kamo." Umirap si Julia.

"Cute kaya." Pumangalumbaba si Miles.

Dumaan ulit si Red sa table namin and he winks at Julia na agad namula ang buong mukha.

Sunod na dumaan si DJ at napaigtad ako ng bigla niya sinuot ang daliri sa underarm ko tsaka inamoy.

"Eeew! Gross DJ!" Sabi ko, I was wearing a floral sleeveless top buti na lang air-conditioned ang room at hindi basa.

"Mabango promise." Tumatawang sabi niya bago kami nilagpasan.

"Minsan nakakainis rin yung may lovelife mga kaibigan mo no? Lakas maka-OP." Nakasimangot na sabi ni Miles.

"Gusto ko padaanin natin sina Marc at Albert?" Suggest ni Julia na may halong pang-asar.

"Sige para may mabatukan naman ako."

"READY?" Tanong ni DJ na kausap ko sa phone, we were getting ready sa room ko para sa party na hinost na blockmate nila.

"Matatapos na kami." Nilingon ko sina Miles and Julia na nag-aayos.

"Huwag masyado magpaganda ah? Para hindi ako mahirapan magbakod."

"Parang mahirap gawin yan, natural na eh."

"Mayabang!" He teased.

"Mana sa'yo."

"Kaya nga bagay tayo."

I giggle, "Sige na sunduin niyo na kami, matatapos na rin naman kami."

"Alright, I'll see you."

"Bye."



PAGBABA namin ng sasakyan ay dinig na dinig na ang malakas na music na galing mula sa loob ng bahay, marami na rin tao. Malaki ang bahay ng kaklase nila DJ, no wonder he can host a house party.

Pagpasok namin ay siksikan ang mga tao sa hallway, there's even some couples who are making out while holding a red cup na may lamang alak.

"Wooh! Ayos to ang tagal din natin hindi pumunta ng mga parties like this, si J kasi nagbagong buhay." Excited na sabi ni Marc.

Four Letter WordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon