NAPADAAN ako sa mural na pininta ni Cristina na tumulong kami ni DJ, speaking of him, I never see him again after that day. It’s been a week at mukhang pinanindigan niya ang sinabi ko.
Do I miss him? Yes pero hindi ganun kadali kalimutan ang ginawa niya, he lied to me. Pinagmukha nila akong tanga, kahit sa bahay ay tahimik lang I never talk to my mother or anyone sa bahay kahit dito sa school bumalik ako sa kung ano ako dati, invisible, kahit sila Miles and Julia ay iniwasan ko muna I don’t think kaya ko makipag-usap sa kahit na kanino sa ngayon.
Itinuon ko na lang ang pansin sa pagpa-practice ng sayaw kasama si Robert na mangyayari na bukas, ano ba nararamdaman ko para sa pagsayaw ko bukas? Dapat kinakabahan ako, dapat excited ako pero hindi I feel numb, I think the pain of losing my brother the second time numbs me wala na akong nararamdaman para akong walking robot.
“Kathryn?”
Nalingunan ko si Cristina na papalapit sa akin na nakangiti.
“Tapos mo na pala ito.” Bumalik ang tingin ko sa mural, maganda iyon ang napansin ko lang ay may hindi nawawalang character sa bawat pinta niya, a boy and a moon. Para bang kasama talaga iyon sa kwento ng bawat pinipinta ni Cristina.
“Oo, naging busy na rin kasi kayo kaya tinapos ko na, buti nga umabot.” Itinuro niya ang pininta ni DJ kasama ako, yung kaming dalawa na silhouette with a backdrop ng sunset at nagsasayaw. “I like that painting kasi kahit na isa lang ang daming kwento ang nakikita ko.”
Nag-alis na ako ng tingin sa painting, ayoko muna na alalahanin I’m still in my grieving process.
“Mauna na ako Cristina may practice pa kasi ako para sa sayaw ko bukas.” Paalis na ako ng tawagin niya ulit ako.
“Kathryn.” Nilingon ko siya, “Mamaya na ang exhibit ko pumunta ka ah?”
Nagkibit balikat ako, “Titingnan ko.”
“Aasahan kita!”
Hindi ko na siya nilingon at nagtuloy na ako sa pag-alis.
“KATHRYN okay ka lang ba?” tanong ni Robert pagkatapos ng practice namin, nagaayos na ako ng gamit ko ngayon.
“Oo naman bakit?”
“Para kasing gumaan ka ng binuhat kita kanina.”
“Ayaw mo ba yun hindi ka na mahihirapan sa pag-lift sa akin bukas?”
“Pero hindi na healthy ang pag-loose mo ng weight, hindi ka naman mabigat kahit dati pa kaya ko naman.”
Umiling ako sa kanya, “Ganun siguro talaga.” Isinukbit ko na ang bag sa balikat ko.
“Natutulog ka pa ba? Ang lalim rin ng ilalim ng mga mata mo.”
Na-appreciate ko naman ang pag-aalala ni Robert but just like what I said kanina, wala na akong nararamdaman, I feel numb to even care about myself.
Nilingon ko siya, “Bukas na yung sayaw natin Robert siguro by then makakapag-pahinga na ako.”
Paglabas ko ng building ay nandoon na ang sasakyan ni Tatay Andrew, dito na kasi ako nagpapasundo para hindi ko na kailangan pumunta ng guard house at madaan sa parking lot.
Pinagbuksan ako ni Tatay Andrew ng pinto ng sasakyan.
“Uuwi na ba tayo anak?” he asked ng makasakay siya sa driver’s seat.
Napatingin ako sa labas ng bintana, ayoko pang umuwi kung tutuusin dahil kapag umuwi ako panigurado ay magkukulong lang ako sa kwarto at maalala ko lahat, iiyak ako hanggang sa makatulugan ko na ang pag-iyak kasunod noon ay magigising ako sa kalagitnaan ng gabi at iiyak na naman ako hanggang sa mag-umaga. Ganun ako araw-araw, walang palya.
BINABASA MO ANG
Four Letter Word
FanfictionL-O-V-E series #1 two people, one story to tell and a four letter word.