Chapter 50

20.4K 450 58
                                    

I TOOK a leap and turn when my left foot got twisted at bumagsak ako sa sahig.

"Ah! Damn!" Hinubad ko ang suot na ballet shoes at sinubukan diinan ang nasaktang paa,napangiwi ako sa sakit pero hindi naman siya ganun kasakit kaya mukhang hindi rin naman malala at parang hindi naman na-sprain or strain konting pahinga lang siguro.

The music was still faintly playing kaya naman umisod ako papunta ng wall-to-wall mirror kung nasaan ang gamit ko, sumandal ako dito and took out my phone.

Una kong binasa ang message ni Daddy.

---
'Everything's alright here, don't worry too much about me. Enjoy Paris hun.'
Mabilis lang ako nag-type ng reply sa kanya.
'Thanks Dad, I'll see you when I get back. I love you!'
---

I open my viber app andI scroll down on my messages pero wala pa rin ako natatanggap na message galing kay DJ, it's been two weeks since I left for Paris, nagkausap naman kami when I was about to board at sa paguusap namin na iyon ay ramdam ko pa rin ang pagtatampo niya sa akin sa biglaang pagsama ko kay Mommy sa Paris and I thought we're okay na pero ang dalang niya pa rin mag-message sa akin there are times na ako pa unang tatawag sa kanya para lang magkausap kami and now it's been three days simula ng huli siyang nagmessage sa akin.

Itinuktok ko ang phone sa noo ko and clutched my chest, dapat na rin ba akong magtampo sa kanya? Paano niya ako natitiis ng ganito katagal samantalang ako sobra na pagkamiss ko sa kanya?

I open my front cam and took a selfie with a pout not caring kung pawisan ba ako at magulo ang pagkaka-bun ng buhok ko dahil sa kagagaling ko lang magsayaw. I send the picture to him with a caption: missing you... :(

It's 2 o'clock in the afternoon here that makes 8PM in PH kahit gaano siya kabusy by this time alam ko na nasa kwarto na lang siya at nagpapahinga, so I waited and waited pero wala talagang reply kahit seen zoned man lang wala, it's either hindi niya pa nakikita ang message ko or he didn't bother opening it in the first place.

"Relax Kath, don't think worst of him okay? Maybe he's out with Red or Marc and Albert kaya hindi niya na-open message mo." Pampakalma ko sa sarili.

"Pero saan naman pupunta yun ng ganitong oras? Bwisit!"

Napasabunot na lang ako sa sarili ko, "Kainis naman kasing lalaki to napaka-pachicks!"

In-open ko na lang ang group chat namin nina Julia and Miles at nag-message sa kanila.

---

Me:
Still no message from him :(

Julia:
Relax Kath, let him baka nagpapamiss lang sayo. You're in freaking Paris! You should enjoy the place huwag mo intindihin yung pinsan ko na kala mo babae sa sobrang pachix.

Me:
Says you who's in NY the city that never sleeps. ;)

Miles:
#ItsMoreFunInThePhilippines #LoveLocal

Julia:
Hahaha! I miss you Milesyyy!

Me:
Love you teh! :*

---

Pinatay ko na ang music and fixed my things, nasa dance studio ako ngayon a few blocks from our apartment-we're staying for a long time in Paris kaya Mom decided to get an apartment instead of a hotel room. It's been a while simula ng huli akong magsayaw at ng minsan madaan ako sa street nito ay nakita ko ang dance studio so I made it sure to check this place, I needed some distraction and dancing has always been my stress reliever.

Four Letter WordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon