Chapter 44

22.2K 389 24
                                    

TUMAYO ako sa harap ng salamin at inayos ang turtleneck shirt ko. I feel stupid wearing a turtleneck during summer at sobrang init pa sa labas it's a good thing na sleeveless naman but still kasalanan ito ni DJ how dare he give me a kiss mark? Although hindi na siya kasing pula tulad kahapon but still hirap itago kay Mommy, I can't even put my hair up kahit naiinitan na ako because they might see the red blotch on my neck.

"Damn that stupid guy!" Inis na mas itinaas ko pa ang neckline making sure na matatakpan ang leeg ko. "Kainis!"

Ibinato ko ang ilang mga damit sa maleta na nakalatag sa carpeted floor ng room ko, inayos ko na yun at chineck ng mabuti kung wala na ba akong nakalimutan sa mga dadalhin ko sa pagbisita sa Lola ko.

Nakarinig ako ng mahinang katok mula sa pinto, "Can I come in?" Tanong ni Mommy na nakatayo roon.

"Of course Mom, malapit na po ako matapos dito."

"How are you feeling?" Naupo siya sa kama ko.

Nagkibit balikat ako, "I don't know to be honest Mom, I do wanted to meet her but..."

"You'll be fine."

Ngumiti ako, "I will kasama ko naman po si DJ, he makes me feel comfortable." Kahit bwisit pa rin ako sa lalaking yun. Dugtong ko sa sarili.

"Well since you will be gone I just wanted to inform you I will be leaving for Paris next week."

"What? Why? Is it because I'm-"

"No, no, no! Hindi dahil doon, may gaganapin na research and seminar for surgeons sa Paris and the hospital director decided na isa ako sa ipadala to attend the lecture."

"Magtatagal po kayo doon?"

"Actually bago pa mabanggit ng Daddy mo ang pagbabakasyon mo sa Lola mo I'm already planning our supposedly vacation there." May iniabot siyang sobre sa akin, "That's your plane ticket."

Napatitig lang ako sa hawak ng envelope.

"I'm not asking you to come with me, binigay ko sa'yo yan para ikaw ang mag-decide kung gusto mo sumama or sumunod sa akin and it's an open ticket you can go anytime."

"Why didn't you tell me sooner?"

"Dahil ayoko harangan ang isip mo, kung sinabi ko na agad sayo hindi ka pupunta sa Lola mo and somehow I wanted you to meet her, she's your family too. Just try, kung magustuhan mo doon you can stay there for the whole summer at kung gustuhin mo na sumunod sa akin sa Paris at least you tried and get to meet her."

"Why are you so nice Mommy? She didn't like you at hindi ka man magsabi sa akin I know she didn't treat you well too, she's the reason kung bakit tayo ganito nila Daddy but still you wanted me to meet her?"

"Hindi dahil ayaw niya sa akin ay aayawan ka na rin ng Lola mo, apo ka niya she's supposed to like you."

"But it was you who raised me."

Lumapit siya sa akin and cupped my face, "Right, ako nagpalaki sa'yo and you're a lovable girl so you don't have to worry if she will like you or not, it will be her lost if she doesn't."

Napatingin kami sa pinto ng sumilip si Yaya Ellen. "Nandyan na ang Daddy mo at si Daniel."

"Sige po, salamat."

Tinulungan ako ni Mommy na isara ang maleta ko and help me na maibaba iyon ng hagdan.

Pagkakita sa amin ni DJ na pababa ay sinalubong niya kami sa hagdan at siya ang nagbuhat ng maleta.

"Bakit hindi mo ako tinawag nahirapan pa tuloy kayo."

Inirapan ko lang siya, naalala ko na naman yung nilagay niyang kiss mark sa leeg ko nung Friday night.

Four Letter WordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon