a/n: Dec. 31, 2014 when I post the very first chapter of Four Letter Word. I still remember very reluctant ako mag post because 1, i'm new to this fandom, i was a lone fangirl then. I only have twitter and tumblr para maki-update sa KN hindi pa active masyado but i took courage and post it. 2, i don't think anyone will read this, i mean who will kung wala nga ako kakilala dito di ba? So also i took courage and finally promote my story on twitter in short kinapalan ko mukha ko. Hahah! And so from a few readers, naging hundreds, thousand and now we have more than 600K reads. Ang saya di ba? Kasi ang dami-dami niyo nakaka-appreciate sa kababawan ko, at dito rin ako nagka-umpisa makakilala ng kapwa fangirl ko and super enjoy kapag nakakausap ko kayo on twitter or private messages niyo.
Ang dami ko rin version ng story na ito and i still have a few drafts save in my laptop till now and this, the uploaded version is my final version. At ang haba na ng speech ko kaya eto na yun. Happy anniversary to my first book! And we will celebrate it with my Kath and DJ, thank you everyone! x-----
"BAL, ang tagal mo naman. Nasaan ka na ba?" DJ whined on the other line.
"Mabilis na lang 'to. Drink your meds first okay?" Sabi habang nasa tenga ang phone at nagtutulak ng grocery cart. I'm in a grocery store at iniwan ko sa bahay ang asawa na masama ang pakiramdam. My poor Baly is sick pero kinailangan ko siya iwan dahil may mga kailangan kami sa bahay like foods at may importante rin akong dapat bilhin.
"Ayoko nga uminom ng gamot, baly naman eh!"
Napangiti ako, I can imagine him stomping his foot like a toddler having tantrums. "I know kasi nai-stuck sa throat mo, kaya nga sabayan mo ng banana di ba?"
"Ayoko!" I can already hear his pout.
"Okay, may last na lang akong kukunin and I'll check out na."
"Susunduin kita."
"No need, may dala akong car."
"Then I'll take a taxi."
"Magpahinga ka na lang. You're not feeling well."
"Basta, sunduin kita."
"Babe!" I put a stern voice.
"Love you! Bye!" Binaba na niya ang tawag kaya napailing na lang ako. Ang kulit talaga.
I was looking at the two boxes na hawak ko, reading kung ano ba ang pagkakaiba ng dalawa at pinamimilian but maybe I should buy both na lang?
"Ano ba 'to. Pareho lang naman pero—aww!" Napalingon ako sa bumangga sa akin sa likod at sinalubong ako ng matangkad na lalaki.
"Sorry—" seryosong hingi ng paumanhin niya na biglang napalitan ng galak at ngiti. "Charm?!"
Napakunot noo ako ng matitigan ang lalaking pamilyar at katapat ko. "You still call me that?"
Lalong lumapad ang ngiti niya. "You remember me?"
"Of course Kris, it's hard na hindi ka makilala if you're now a known basketball player." Ngumiti rin ako sa kanya.
It's been a long time nang huli ko siya nakita, the last time would be nung college pa kami at nagkalaban sila ni DJ sa laro and look at him now. Making his own name in an athlete's world. Unlike DJ na mas pinili ang corporate world at ginawa na lamang past time ang paglalaro ng basketball pati na rin ang pagpipinta ay siya naman ay pinursue ang kanyang dream at passion sa bola.
"Ah! I never thought I will see you again, at dito pa. I guess we can never have a usual meet up huh?"
Napangiti ako, remembering the first time we met. Yung nabagsakan siya ng estante at ginamot ko ang sugat niya not knowing na sila pala ang kalaban ni DJ sa laro. "I guess so?" I shrugs my shoulder.
BINABASA MO ANG
Four Letter Word
أدب الهواةL-O-V-E series #1 two people, one story to tell and a four letter word.