Chapter 15

25.8K 429 15
                                    

“BECAUSE I like you, stupid.”

Naitakip ko ang unan sa mukha ko, “Waaah! Bakit ba kasi paulit ulit? At bakit may kasamang ‘stupid’?!” inalis ko ang unan at napaupo sa gitna ng kama.

“Kainis naman kasi yun bigla na lang nagsasabi ng ‘I like you’ hindi tuloy ako nakasagot.”

Well that’s right hindi ako nakasagot, kasi nga nabigla ako hindi ko alam kung ano ba dapat ang sabihin ko sa kanya.

“I don’t expect you to answer me back I just wanted to tell you.” Sabi ni DJ na binitawan ako. “Come on I’ll take you home.”

After that tahimik lang niya akong hinatid sa bahay and bid me goodbye, sabi rin niya tatawagan niya ako pero up until now kahit text wala pa rin.

Why didn’t I answer? Because I don’t know, do I like him? Of course I like him but do I like him in a different way? Hindi ko rin alam basta ang alam ko lang I’m happy kapag kasama ko siya and I do care about him.

“I like you.”

“I like you.”

“Stupid.”

Parang nage-echo pa rin sa tenga ko yung boses ni DJ. “Pero yung stupid talaga nakakainis, panira.”

“Pero paano gagawin ko?”

“Hindi ko alam.”

“Do I act normal?”

“But how?”

Napasabunot ako sa sarili. “Para akong baliw kinakausap ko sarili ko.”

“I like you, stupid.”

Ayan na naman, pero bakit everytime na maaalala ko yun bumibilis ang puso ko? Napahawak ako sa dibdib ko na parang may naghahabulang daga sa pagtibok nito.

Biglang tumunog ang phone ko, pa-dive ko iyon kinuha at binasa ang text.

---

Julia

Goodnight! See you all tomorrow.

---

Humilata ako sa kama, “Tatawag daw siya? Kahit dot wala akong ma-receive na text.”

Nakatitig lang ako sa phone ko, “Bahala ka hindi kita itetext.” Inilagay ko sa ilalim ng unan ang cellphone ko.

Tumunog ulit ang phone ko, “Nope. Hindi talaga, hindi ko iche-check.”

After a while nang hindi ako makatiis ay kinuha ko rin ang phone ko to check, pero ang badtrip notification lang for a game request sa facebook. “Argh! Ayoko na talaga, nabubwisit na ako sayo Daniel John!”

I turn my phone into silent mode, tsaka ko nilagay sa bedside table and try to get my sleep.

KINABUKASAN nagulat pa ako ng maabutan ko sa labas ng bahay si DJ na nakasandal sa kotse niya and wearing shades, as usual.

Dahan-dahan akong lumapit sa kanya, I didn’t really expect na susunduin niya ako after not contacting me last night. Ngumiti siya sa akin and open the door for me, tahimik lang din ako na sumakay.

“Seatbelt.” Sabi niya pagkasakay.

“Huh?”

“Tsh.” He lean over me para isuot sa akin ang seatbelt, napadiin naman ako sa sandalan sa sobrang lapit niya sa akin. Nag-angat siya ng tingin ng hindi lumalayo at ngumiti, “Good morning.”

Four Letter WordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon