Chapter 31

25.7K 390 28
                                    

a/n: i feel bad about myself kasi hindi na ako nakakapag-update regularly unlike before :'( sorry talaga nagiging super busy lang talaga parang hindi nababawasan school loads ko. >_>

anywaysss enjoy reading! :*

---

“NANDYAN na yung sundo mo.” Nakangiting salubong sa akin ni Tatay ng Andrew ng pababa ako ng hagdan.

Napangiti rin ako, “Salamat po.”

“Masaya ako at nagkaayos na kayong dalawa pero sana dumating din ang panahon na kaya mo na rin makinig sa mommy mo.”

Natigil ako sa tapat ng pinto sa sinabi ni Tatay Andrew. “Siguro nga po Tay Andrew kapag handa na ako.”

Iba naman kasi yung kay Mommy itinago niya sa akin for four years, I was left out in the dark for the past years na nagtanim ako ng sama ng loob sa kapatid ko when all this time my mom was keeping everything from me para akong sinuntok ng katotohanan na siya of all people na pinaka pinagtiwalaan ko siya pa ang sumira nito but maybe the time will come na kaya ko na siyang harapan, for now one step at a time.

Paglabas ko ng bahay ay naabutan ko si DJ na nakasandal sa sasakyan niya habang nakayuko at hindi ako napansin. Tinitigan ko lang muna siya, I can’t believe this guy, how our path cross because of my brother oo nasaktan ako at pakiramdam ko napagkaisahan ako but after hearing his story I can also feel his pain dahil nawalan rin siya we share our brother and we loved him equally.

Nag-angat siya ng tingin ng maramdaman niya ang presensya ko I smile at him at patakbong lumapit sa kanya and wrapped my arms around his waist.

“Hey.” He said and hugged me back.

“I missed you.” I said because I really do miss him.

He kissed the top of my head. “Buti na lang ako hindi kita gaanong na-missed.”

“Ano?!” tiningala ko siya glaring and he grinned at me habang nakayuko.

“Kasi ako nakikita kita kahit patago or malayo eh ikaw? Ilang linggo mo ba naman hindi nakita ka-gwapuhan ko talagang mamimiss mo ako ng sobra.”

“Wow!” Hinampas ko siya sa dibdib. “Yan ang hindi ko na-miss kayabangan mo.”

Sumakay na ako ng sasakyan niya without waiting for him to open the door for me.

“HAPPY birthday Marc.” Niyakap ko si Marc pagdating namin sa kanila.

“Kath-kath you’re back.” He grinned and pats my head.

“Hindi naman ako nawala ah nagpahinga lang.” nakalabing sabi ko.

He shook his head. “Tara na nga nandun silang lahat sa pool area.”

Magkahawak kamay kami ni DJ na sumunod kay Marc papunta ng pool area. Nandoon na silang lahat pagdating namin kumakain at nagkakantahan sa naka-set na karaoke.

“Teeeh!” sigaw ni Miles ng makita kami yumakap siya sa akin ng makalapit kami. “Buti naman okay na ang favorite love team ko.”

“Maka-love team naman.” Nasabi ko.

“Eh di favorite couple.”

“Ang dami mong alam.” Natatawang sabi ni DJ.

“What? Hindi pa rin kayo?!” singit ni Julia.

Natahimik kaming dalawa ni DJ, of course hindi pa nagkaayos lang kami pero just like before hindi pa rin officially kaming dalawa dahil hindi pa naman namin napaguusapan yung bagay na yun.

Four Letter WordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon