Chapter 17

21K 381 26
                                    

“KATHRYN hindi ka ba muna kakain?” tanong ni Yaya Ellen ng makitang bumaba ako ng hagdan at nakabihis na papasok.

“Hindi na po, sa school na lang.” wala akong gana kumain, ang totoo niyan kagabi pa ako hindi kumakain parang hindi kaya ng sikmura ko ang kumain after what I experienced last night. Wala akong pinagsabihan ng nangyari at ayokong alalahanin.

“Hindi ka rin naghapunan kagabi.” Nagaalalang sumunod sa akin si Yaya Ellen sa front door.

“Ayos lang po, kakain ako pagdating ko sa school.” Pilit akong ngumiti sa kanya para mapanatag siya.

Nagulat pa ako ng maabutan ko si Tatay Andrew na naghihintay sa akin sa labas, pinagbuksan niya ako ng pinto ng sasakyan.

Napatingin ako sa paligid, Of course he isn’t here after what happen last night. Tahimik na lang na sumakay ako.

“Nagpunta siya sa bahay kagabi.” Nakatingin sa akin si Tatay Andrew sa rear view mirror habang nagda-drive, hindi na niya kailangan pangalanan kung sino ang tinutukoy niya.

“Tulog ka na ng magpunta siya, ayaw ka nga ipagising.” Patuloy ni Tatay Andrew habang nakatingin lang ako sa labas ng bintana. “Ibinilin niya na ihatid kita papasok kasi hindi ka raw niya masusundo, tinanong ko kung bakit sabi lang niya baka kasi ayaw mo siya makita.”

Tahimik lang ako, hindi ako sumagot pero napatingin ako sa kanya at sinalubong ang tingin niya sa rearview.

“Puro sugat at pasa rin ang mukha niya, ayaw naman niya sabihin kung saan niya nakuha yun mukhang napaaway pa. Nag-away ba kayo? Ang lungkot niya kagabi, mukhang nakainom pa nga pinagalitan ko kasi nagda-drive ng nakainom, sabi naman niya hindi daw siya lasing.”

Hindi pa rin ako sumagot, ibinalik ko na lang ang tingin sa labas ng bintana. Hindi na lang din nagsalita si Tatay Andrew at tahimik na lang na nag-drive hanggang makarating kami sa school.

“Susunduin ba kita mamaya?” tanong niya ng pababa na ako.

“Opo.”

Ngumiti siya sa akin ng nakakaunawa bago ako tuluyang bumaba ng sasakyan.

Habang naglalakad ako papunta sa classroom ay hindi maiwasan na marinig ko ang usapan ng mga estudyante, may nagsira raw ng isang kwarto pero hindi nila alam kung sino pero ang dami daw basag at sirang gamit.

Yumuko lang ako at dire-diretsong pumasok ng room, pero pagpasok ko ay yun din ang usapan nila. Napabuntung hininga na lang ako at naglagay ng earphone sa tenga para hindi ko na sila marinig. Sumandal ako at pumikit

Napadilat ako ng biglang may humatak sa earphone, déjà vu right? But this time naga-alalang mukha ni Julia ang namulatan ko.

“What happen?” bungad niya agad sa akin.

“What do you mean?” nag-iwas ako ng tingin at nagkunwaring inayos ang phone ko.

“My cousin went home looking like a mess, nagkulong lang siya sa shack niya the whole night akala ko nga hindi na siya lalabas para pumasok at pagdating na pagdating namin pinatawag agad siya sa president’s office.”

Napaangat ako ng tingin kay Julia, “B-bakit daw pinatawag siya sa president’s office?”

“You tell me! Kayo ang magkasama kagabi and now their accusing him of vandalizing a room.”

“W-what?”

“What’s happening Kath? At bakit ganun si DJ? Sumama na lang siya bigla na parang wala siyang balak ipagtanggol ang sarili niya.”

Napatayo ako, “I—I need to go.”

“Where?”

Hindi ko na siya pinansin tuloy-tuloy lang ako lumabas ng classroom ni hindi ko na naisipan na dalin ang mga gamit ko, nakasalubong ko pa si Miles.

Four Letter WordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon